CHAPTER 2

240 7 0
                                    


The Unwanted Wife

CHAPTER 2

MALALIM akong napabuntong hininga sa sobrang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay nanghihina ang buong katawan ko nang dahil sa nalaman ko.

Napasandal ako sa headboard ng kama at itiningala ang ulo. Hinayaan ko ring dumaloy sa pisngi ko ang mainit na likidong tila gripo kung umagos mula sa mga mata ko.

"Jake.. Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?" Bulong ko na halos mapasigok pa ako. "Isang linggo ka na palang hindi pumapasok, isang linggo mula no'ng ikasal tayo. Ang pagkakaalam ko ay pumapasok ka sa opisina kahit nasa honeymoon stage tayo na dapat nga ay masaya tayong magkasama ngayon. Kung gano'n palang wala ka sa opisina, saan ka naman pumupunta na halos inuumaga ka na kung umuwi dito sa bahay natin?" Parang baliw kong kinakausap si Jake sa kawalan at hinihintay itong sumagot at humingi ng tawad sa akin. "Hindi kaya.. hinahanap mo pa rin si Honey Kate? Siya pa rin ba, ha? Siya pa rin ba kahit na iniwan ka niya? Sumuko na siya, eh. Isinuko ka na niya sa 'kin. Ako na ang nagmamayari sa'yo, Jake. Please.. Ako na lang kasi!" Humagulhol ako ng malakas at isinigaw ang sakit na nararamdaman.

Hinayaan ko muna ang sarili kong namnamin ang sakit. Alam kong maya-maya ay mapapawi din iyon lalo na kapag muli ko na siyang nakita.

Nahiga ako sa kama at tulalang tumingin sa kisame. Iniisip kung ano pa ba ang mga dapat kong gawin para mabaling sa akin ang atensyon niya pati na rin ang pagmamahal niya.

Hanggang sa makatulog ako at pumasok sa panaginip ko ang sandali kung kailan kami nagkakilala.

"Son! Jake Xander, come here!" Aya ni Tita sa anak niya na bagot na bagot na bumababa sa matarik at paikot na hagdan. Nakayuko pa ang lalaki habang ginugulo ang sabog na buhok. "Hurry up naman, anak! Someone's waiting for you!"

"Tsk!" Malayo pa man ay rinig ko na ang malakas nitong singhal. "Who's waiting for me, mom?" Tanong nito at saka pa lang inangat ang paningin.

Doon nagkatagpo ang mga paningin namin. Natulala ako at napaawang pa ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang makakaharap ko ng personal ang crush na crush kong lalaki sa tanang buhay ko!

Parang bumagal ang oras habang lumalapit siya sa 'kin. Titig na titig rin siya sa mukha ko na animo'y nakakita ng isang anghel sa lupa.

At para akong maiihi sa kilig ng ngumiti siya.

"Why are you staring at me? Hmm?" Tanong niya subalit awang pa rin ang bibig ko. Hindi ako makapagsalita. Kaya't bumaling siya sa mommy niya na nakangiting pinagmamasdan kaming dalawa. "Is she that someone who's waiting for me, mom?"

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon