KULANG na lang ay lumipad palayo sa katawan ni Lyndon ang bawat patak ng tubig na ibinuhos niya sa sarili. Late na siya sa trabaho. Kailangang bilisan niya ang kilos. Pagkatapos magbanlaw ng katawan ay hinablot niya ang nakasampay na tuwalya at itinapi sa sarili. Nagmamadaling lumabas siya ng banyo.
Tuluy-tuloy siyang pumasok sa silid. Basta na lang niyang kinuskos ang tumutulo pang buhok at tinuyo ang sarili bago binitiwan sa sahig ang tuwalya. Basta na lang din siyang kumuha ng isusuot na briefs. Isusuot na lang niya iyon nang matigilan siya.
There's something different somewhere, naisip niya.
Iginala niya ang paningin sa paligid. At natigilan uli siya.
"L-Lyndon..."
Nanlaki ang mga mata ni Lyndon sa gulat. Parang may bumayo sa kanyang dibdib sa labis na pagtahip niyon. Nakatayo si Princess Grace sa likuran ng pintong basta na lang niyang itinulak. Nakatingin sa kanya ang asawa at hindi niya malaman kung takot o pagkagulat ang nakikita niya sa mukha nito.
"Lyndon," sabi uli nito, saka humakbang palapit sa kanya.
"A-ano'ng ginagawa mo rito?" nalilitong tanong niya. Pero naroon din ang hindi maipaliwanag na kaba at excitement.
Hindi niya alam kung dadamputin ba ang binitiwang tuwalya o mabilis na isusuot ang hawak na briefs.
Lumipad ang tingin niya sa bahagyang nakabukas na pinto. Hindi niya alam kung takot siya na makita doon ang mama nito kaya ganoon na lang ang paninigas ng buong katawan niya.
Pero malamang ay may iba pang dahilan.
Kahit parang may halo ring kaba ang bawat paghakbang ni Princess Grace palapit sa kanya ay nakikita naman niya sa mga mata nito ang determinasyon. Kilala niya ang asawa. Alam niya kung kailan nito gustung-gustong gawin ang isang bagay na gusto. At isa iyon sa pagkakataong ganoon.
"Nagulat ka ba?" nakangiting tanong ng kanyang asawa, pero hindi maikakaila ang bahagyang panginginig ng boses nito.
"Gulat na gulat," sagot niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Bahagya itong umiling, pero nakangiti pa rin. "Maninilip? Papanoorin sana kitang magbihis," pabirong sagot nito.
"Oh, Prin," padaing na sabi niya.
"Lyndon..." sabi nito pagkatapos siyang hagurin ng tingin. "M-mag-asawa naman tayo, 'di ba?"
"Oo, bakit?" At sa isinagot niya, pakiramdam ni Lyndon ay ang estupido niya.
"Nineteen na ako. Twenty ka na. Sa school, alam nating pareho na marami nang nag-e-engage sa premarital sex. We're married, Lyndon. Mas may karapatan tayong gawin iyon kaysa sa kanila."
"Princess Grace..." halos paanas na sabi ni Lyndon. Parang isang hibla na lang ng pagtitimpi ang pinanghahawakan niya.
Lalo pa itong lumapit sa kanya. "Wala si Mama. Mamaya pa siya uuwi."
Nabitin ang kanyang paghinga. Nangibabaw sa kanya ang damdaming ilang taon na niyang pinipigilan. Nang lumapit pa si Princess Grace sa kanya ay hindi na siya nag-isip pa. Hinapit niya ito sa baywang at siniil ng halik sa mga labi.
Oo, asawa niya ito. Matagal na.
At ang bagay na gagawin nila ay natural lang na ginagawa ng mag-asawa.
Parang pareho silang pinangangapusan ng hininga sa diin ng paglalapat ng kanilang mga labi. Parang hinahabol sila ng oras at ibinubuhos ang todong emosyon sa lalim ng halik na iyon. Parang nadagdagan ang kanilang mga kamay para maging mas mabilis pa sa posible na mahubad ang mga suot nito.
At sa mga sumunod na sandali ay nakahubad na rin ito.
Pareho silang natigilan. Nanatili silang nakatayo pero maging ang paghahalikan nila ay nahinto. Bahagya pa siyang umatras para mapagmasdan ang asawa. Matagal na niyang alam kung gaano kaganda ito. Matagal na rin niyang pinagagana ang imahinasyon para sa ganoong sandali.
Pero iba pala kapag totoo na. Parang maninikip ang kanyang dibdib sa labis na kasabikan. Sa wakas, dumating na ang pagkakataong inaasam niya.
"Bakit ka tumigil?" tanong ni Princess Grace.
Napalunok siya. "Sigurado ka ba, Princess? Sigurado ka sa gagawin natin? Hindi ka napipilitan lang?"
Ngumiti ito. "I love you, Lyndon. Ilang beses ko nang inisip na magkaroon tayo ng chance. Ito na iyon."
Tuluyan nang binitiwan ni Lyndon ang mga bagay na isinasaalang-alang. Dinala niya ang asawa sa kama at sinimulan nilang gawin ang bagay na matagal na nilang pinapangarap gawin.
Iyon na siguro ang pinakamaligayang sandali ng kanyang buhay. Hindi niya inakalang ganoon kasaya ang magiging pakiramdam ngayong dumating na ang pagkakataon na makukuha niya ang inaasam.
Parang wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang halikan at haplusin ang buong katawan ni Princess Grace.
Hell, he had every right to claim her. Matagal siyang nagtiis at nagtimpi. Pero may hangganan ang lahat. Wala na ngayong makapipigil sa kanya.
At ramdam na ramdam ni Lyndon na para sa kanya ang pagkakataong iyon. Pakiramdam niya ay higit pa sa birthday niya ang araw na iyon sa labis na kaligayahang nadarama.
Mahigpit silang nagkayakap. Sa bawat paghaplos niya sa katawan ni Princess Grace ay gumaganti ang asawa. Ang bawat halik niya ay sinusuklian nito. Ayaw na ni Lyndon na matapos ang sandaling iyon pero dumating ang puntong may hinihinging kaganapan ang kanilang mga katawan.
"Masasaktan ka, Prin," buong pagsuyong sabi niya nang pumuwesto siya sa ibabaw ni Princess Grace.
"Alam ko, Lyndon. Nakahanda ako. I love you." Hinaplos pa ng asawa ang kanyang mukha.
"Pipilitin kong huwag kang masaktan masyado," pangako niya.
Tumango ito.
Napakasikip ng lagusang iyon. Siya man ay nasasaktan din sa pagpupumilit na makapasok. At may ilang sandaling inisip ni Lyndon na itigil na ang ginagawa, lalo na kapag nakikita niya sa mukha ni Princess Grace ang nararamdamang kirot. Pero sa bawat pagkakataong tumitigil siya, ito mismo ang nagsasabing ituloy niya ang nasimulan.
Niyakap niya ito nang ubod-higpit nang ganap niyang maibaon ang sarili. Pakiramdam ni Lyndon ay pareho silang nasaktan, pero hindi rin maipaliwanag ang kaligayahang pumupuno sa kanyang dibdib.
Hinalikan niya ang asawa. "We are one, my love." Pakiramdam niya ay maiiyak siya nang mga sandaling iyon.
"Yes, Lyndon. Yes. I love you."
"I love you, too," parang may bara sa lalamunang sagot niya. "Nasaktan ka bang masyado?" nag-aalalang tanong niya sa asawa.
"Masakit pero kaya kong tiisin."
Ilang sandaling hindi sila tuminag. Pareho nilang ninamnam ang ganap na pag-iisa nila. And as if on instinct, they both swayed their bodies again. Nangibabaw ang sensasyong umaagaw sa kanilang katinuan.
Pinalaya pa nila ang kanilang mga sarili hanggang sa maabot nila ang sukdulan.
--- i t u t u l o y ---
If you want to buy this book, available ito sa Shopee shop : MicaMixOnlineDeals
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
BINABASA MO ANG
Class Pictures Series 7 - Forever And Always
Romance"Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduatio...