A/N - Class Picture series was written in 2002. Timeline of these stories revolved around that period. I hope you enjoy them.
PROLOGUE
"CLASS reunion?" Sa halip na excitement ay mas mababakas sa mukha at boses ni Princess Grace ang kawalang-gana.
"Hindi ka interesado?" nakakunot ang noong tanong ng kanyang asawang si Lyndon.
Bumuntong-hininga siya. "Ano naman ang gagawin ko riyan?"
Tinitigan siya ng asawa. "Ano ba ang ginagawa sa class reunion?" parang nagpipigil ng pagkapikon na tanong din nito. "Nagkukumustahan. Nagre-renew ng friendship."
Napaismid si Princess Grace. "Ni hindi ko na nga inisip na tumuntong uli sa Sierra Carmela mula nang umalis tayo roon after high school graduation."
"Then it's about time, honey." Napalitan ng pangungumbinsi ang boses ni Lyndon.
"Ewan ko. As of now, walang dating sa akin ang reunion na iyan."
Napailing si Lyndon, bakas ang disappointment sa mukha. "Pag-isipan mo, hon. It's been twelve years. Matagal na rin tayong hindi nagkikita-kita. Hindi mo ba nami-miss sina Amor at Ting? Hindi ba kayo ang magkaka-vibes noon?"
Ngumiti si Princess Grace nang matabang. "Noon iyon. Wala na akong balita sa kanila mula nang magtapos tayo ng high school."
"Tingnan mo kasi ito," Ibinaba ni Lyndon sa harap niya ang invitation card. "Nagkapangasawahan sina Amor at Joel at sina Ting at Alejo. Hindi ba't isang sorpresa iyon sa klase natin? Who would expect na sila ang magkakatuluyan? Iyon pa lang ay sapat nang dahilan para um-attend tayo ng class reunion."
"Tayo lang naman ang walang sorpresa sa buhay. Siyempre noon pa ay ine-expect na nilang tayo ang magkakatuluyan."
Napatingin ito sa kanya, puno ng pagtatanong at pagdaramdam ang mga mata. "Hindi ka na ba masaya sa pagsasama natin?" tanong nito. Nasa boses nito ang takot sa maaaring isagot niya.
Tiningnan niya ito nang diretso sa mga mata. "You know, Lyndon, hindi ka dapat nagtatanong ng ganyan."
Parang nadagdagan pa ng kirot ang ekspresyon ng mukha ng asawa niya. Bumuka ang mga labi nito pero bago pa may lumabas na salita mula roon ay muli iyong tumikom.
"Gusto ko sanang um-attend," mayamaya ay sabi ni Lyndon. "Excited pa naman ako na makita ang mga dati nating kaklase."
"Then go ahead. Hindi naman kita pinipigilan, ah," sagot niya.
"Hindi ka ba sasama?"
Nagkibit-balikat siya bilang sagot.
--- i t u t u l o y ---
If you want to buy this book, available ito sa Shopee shop : MicaMixOnlineDeals
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
BINABASA MO ANG
Class Pictures Series 7 - Forever And Always
Romance"Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduatio...