Forever And Always - Part 18

420 24 3
                                    

"NASAKTAN ka, Prin," ani Lyndon.

Nginitian nang matamis ni Princess Grace ang asawa. Nag-uumapaw ang tuwa sa kanyang puso at hindi niya kayang pigilin ang sarili sa pagngiti. "Okay lang, Lyndon. 'Sabi naman ng mga kaklase ko, masakit talaga kapag sa una." Sumiksik siya sa hubad na katawan nito. Hindi niya inakalang ganoon kasarap ang pakiramdam na magkalapit sila nang ganoon.

"Hindi ko alam kung saan ako dapat magpasalamat sa chance na ito," nakangiti ring sabi nito. "Daig ko pa ang tumama sa Lotto!"

"'Corny mo," pabirong sabi niya. "Magpasalamat ka sa perming lotion."

"Perming lotion?"

Ikinuwento ni Princess Grace ang dahilan ng pag-uwi niya nang mag-isa. Lalong napangiti si Lyndon.

"Pinlano mo ba ito, Prin?" tanong nito mayamaya.

"Hindi. Pero noong nandito na ako at nasa banyo ka, naisip kong ito na siguro ang chance natin. Masama ba itong ginawa natin?"

"Para kina Mama at Papa, alam mong masama ito. Pinagbabawalan nila tayo sa ganito. But we are married. For almost four years now. Our honeymoon is long overdue."

Tumawa si Princess Grace nang matinis. "Naks, Lyndon! Napapa-Ingles ka pa ngayon," kantiyaw niya.

Tumawa rin ito. "I can't explain the feeling, Prin. Napakasarap ng pakiramdam. Iyon bang kapag pinilit ipaliwanag ang nararamdaman mo, kung hindi mo i-Ingles-in ay magmumukha kang makata para mahanapan iyon ng tamang salita."

She rolled her eyes. "Para ka na ngang makata niyan, eh."

Tumawa ito nang mahina. "I have an idea. Tutal, kahit ano ang sabihin ko, Ingles man o Tagalog, may komento ka, ganito na lang ang gawin natin." Iniyakap nito ang braso sa baywang niya at humagod ang kamay sa kanyang likod.

Para siyang kinuryente na kiniliti. "Ano'ng gagawin natin?" puno ng pananabik na tanong niya.

"Ulitin natin."

Namilog ang mga mata ni Princess Grace, pagkatapos ay ngumiti nang maluwang. "Sige!" Tumawa siya nang malakas. "Ang bilis naman yata ng sagot ko," aniyang parang nahiya at itinuloy na lang ang pagtawa.

"Kaya mo ba? Hindi ka kaya masaktan uli?"

Nag-isip siya pero sandaling-sandali lang. "I think the worst part is over."

Kasabay ng pagyuko ni Princess Grace ay kinabig siya ng asawa sa batok. Sinimulan nila sa marubdob na halik ang pangalawang pagkakataon.



MALAKAS na bumuntong-hininga si Princess Grace. "Perfect na sana," naiiling na sabi niya habang nagbibihis.

Mas mabilis ang kilos ni Lyndon. Nag-e-enjoy pa sana sila sa pribadong oras na iyon nang maisip nilang baka biglang umuwi ang mama niya. Naisip nilang kailangan pa ring umalis ni Lyndon para hindi magduda ang mama niya sa ginawa nila. Hindi dapat malaman ng mama niya na hindi pumasok si Lyndon sa trabaho at nagkaroon sila ng pagkakataong makapagsolo.

Lumapit sa kanya si Lyndon. "This is perfect, Princess Grace. Huwag tayong manghinayang. Napakaespesyal ng araw na ito para sa atin."

Tumango siya. "Pero kailangan mong umalis."

"Sandali lang ako. Babalik ako rito pagkatapos ng ilang oras. Kunwari ay galing ako ng trabaho."

"Mami-miss kita."

Napangiti ito. "Ako man. Mas nagkaroon ako ng dahilan ngayon para ma-miss kita."

Princess Grace rolled her eyes. "Ang corny natin. Para bang hindi tayo nagkikita araw-araw."

Class Pictures Series 7 - Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon