IMY 22

298 10 1
                                    

Author's Note:

Another chapter after a very long time. Won't promise anything but I'll try my best to update more frequently.

Thanks

Enjoy Reading

********

Crelle's POV

"Teka, paano naman kita naging kapatid eh nag-iisang anak lang ako?", agad na tanong ko after ng momentum ng shock na naramdaman ko.

"Sa buhay na 'to, oo nag-iisang anak ka lang pero ate, kapatid mo ko nung ikaw pa si Alianna", nakangiti namang sagot niya.

Naisip ko sa dami ng kakaibang pangyayarimg nangyayari sa akin ngayon parang normal na lang sa akin 'to, yung may magpakilalang kapatid ko mula sa nakaraan.

"Anong pangalan mo?", tanong ko na lang sa kanya. Naglalakad na kami ngayon sa labas ng seldang pinagkulungan nila sa 'kin. Naglalakad na kami patungo sa labas ng presinto. Walang bakas ng kahit anong tao dito. Kahit ang mga preso, wala.

"Caden ang pangalan ko, Ate", nakangiting sagot niya habang nakatunganga lang sa akin.

"Ah okay. Nasaan nga pala ang mga tao dto", sabi ko saka nilibot ulit ang mga mata ko sa paligid.

"Patay na lahat", nakangiti pa ring sabi niya sa akin. Kinilabutan ako sa sagot niya ni wala man lang bakas ng pagsisisi o awa. Parang lang siyang tinanong 'kung gusto niya pa ng candy'.

Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Paano ka nga pala napunta dito? Saka paano mo nalaman na andito ako?", sunod sunod na tanong ko.

"Matagal na kitang pinagmamasdan, Ate. Pero hindi kasi ako puwedeng kumilos ng wala ang utos niya kaya ngayon lang tayo nagkita"

"Sinong niya? Sinong nag-utos sayo?"

"AKO", at paglingon ko sa pinanggalingan ng boses sa likod ko, nakita ko siya.

"Liriko"

Sabay takbo ko palabas sa presinto kung nasaan siya ngayon at si Trence. Sinalubong niya agad ako ng yakap at nag-umpisa ng bumagsak ang luha sa mga mata ko sa kanyang balikat.

Isa lang naman talaga ang kinatakot ko sa lahat ng pananakit at pang-aabusong ginawa sa akin sa nagdaang araw at yun ay ang hindi na makita si Liriko kahit kailan.

At hindi masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman....

"Mahal kita, Liriko. Mahal na mahal kita. Wala na kong pakialam kung ano pang dahilan kung bakit gusto mo ko basta ang importante maiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal", at tuluyan na kong napahugulgol sa kanyang mga balikat.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Pinasaya mo ko, mahal ko. Ang marinig yan mula sa'yo ang pangalawang pinakamaligayang pangyayari sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Crelle. Mahal na mahal kita", at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

Humiwalay naman ako sa kanya sa narinig ko.

"Ano yung una?", naghihinanakit na tanong ko

"Yung araw na una kitang nakita...

Binaling ko agad ang tingin ko sa ibang lugar hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya habang sinasabi niya yon, sigurado akong tinutukoy niya ay ang unang beses na pagkikita nila ni Alianna.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon