IMY 25

300 10 3
                                    

A/N:

Sorry sa super late update. Matagal ko na 'tong nagawa ngayon lang ako nagkaroon ng time na i-post siya.

Dedicated 'tong chapter na 'to para kay @christianmorla. Thanks sa post, I really appreciated it <3<3

Enjoy Reading and thanks sa 15k + reads :-)

*********

Crelle's POV

"Crunchy!!!", gulat na sigaw ko.

Nasa huling baitang na siya ngayon ng hagdan. Kakaiba ang suot niya pero siyang-siya pa rin 'yun.

Si Crunchy pa rin siya at nakatingin siya ngayon sa akin habang nakangiti.

"Kumusta ka na, Crelle?", nakangiting tanong niya sa akin.

Natulala lang ako sa kanya ng ilang sandali.

"Paanong-? Anong-?", hindi ko malaman kung paano ko bubuuhin ang isa sa napakaraming mga tanong na gusto kong malaman mula sa kanya.

"Kuya, nandito na kami", sabi ni Trence sa tabi ko.

"Nakikita ko nga at mukhang hindi ninyo rin binigyan ng head's up si Crelle bago ninyo siya dinala dito", nakangiti pero seryosong sabi ni Crunchy.

Siya pa rin naman ang Crunchy na kilala ko kung ang pagbabasehan ko ay ang panlabas niya pero parang may nag-iba parang hindi siya na siya.

Naguguluhan ako...

"It's not our story to tell", mahinang sabi naman ni Liriko.

"Ano ba talagang nangyayari dito? Ano na naman ang hindi niyo sinasabi sa akin? Hindi ba talaga kayo nauubusan ng sikreto?", naaasar ng tanong ko. Akala ko tapos na lahat ng paglilihim pero mukhang mas marami pa palang nakatagong lihim.

"Umakyat na tayo. Sa loob ko na ipapaliwanag ang lahat", at tumalikod na siya para umakyat sa hagdan. Sumunod naman agad sa kanya sina Trence at Liriko kaya wala na rin akong nagawa kung hindi sumunod pa.

Nagpaalam rin agad si Caden sa amin na magpapahinga na raw muna siya at sobrang napagod daw talaga siya sa biyahe.

Nakatingin lang ako sa paligid habang umaakyat kami. Madilim ang langit pero marami ding mga puno sa paligid. Maya-maya pa ay nasa loob na kami ng napakalaking itim na kastilyo.

Napakaluwag sa loob ng kastilyo, walang masyadong gamit at puro espasyo. Parang sa sinaunang mga kastilyo ang itsura yun nga lang sobrang nakakikilabot lang ang atmosphere dito hindi katulad sa mga panahong yun kung saan isang karangalan ang makapasok sa ganitong kastilyo pero sa ngayon ang naiisip ko lang ay kung ilan na kaya ang namatay sa bawat sulok ng bahay na 'to.

Sumusunod lang ako sa kanila lalo na't mukhang kabisado naman nila Trence at Liriko ang pasikot sikot dito bukod pa sa andiyan naman si Crunchy para i-guide kami.

Kakaiba ang palasyong ito, madadama mo talaga ang kadilimang bumabalot sa paligid. Ewan ko pero pag tapak ko pa lang dito nakaramdam na ako ng takot. Hindi ko alam kung para saan ang nararamdaman ko o kung dahil ba 'to sa lugar o sa mga taong makakaharap namin pero isa lang ang alam at least hindi ako mag-iisa sa laban na to.

At naramdaman ko agad ang pagkuha at pagsalikop ni Liriko ng aming mga kamay na parang alam niya ang iniisip ko. Napatingin na lang ako sa kanya at napangiti.

Maya-maya pa ay napansin ko ang paghinto namin sa tapat ng isang malaking pintuan. Ng buksan ito ni Crunchy ay bumulaga sa akin ang isang napakalaking bulwagan kung saan mga couches at isang lamesa lamang ang makikita sa gitna. Siguro sa mundo, ito ang counterpart ng receiving area sa mga mansyon more extravagantly nga lang.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon