IMY 9

1K 30 2
                                    

Sana po magustuhan ninyo <3

Raven on the side 

************************************************************************************************************

Second day ng namin sa Night Classes at ngayon lang talaga namin makikilala ng maayos ang mga Professor namin.

Iilan pa lang yung mga tao dito sa room at mukha namang wala silang pakialaman sa amin kaya naupokami sa medyo malayo sa harapan ng table ng Professor at nagtatabi kami doon.

6:00 pa lang at nandito na agad kaming apat at kasalukuyan kaming nag-aasaran ni Crunchy habang nakangiti lang si Liriko sa tabi at nakasimangot naman si Trence sa isang banda.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok mula doon si Raven.

"Good Evening sa inyong lahat", sabi niya sa aming lahat at inilibot niya ang mga mata hanggang sa mahanap niya si Trence.

"Good morning, my labs", sabi niya kay Trence sabay yakap dito. Kami na ang nailang sa kanila at tinuloy na lang ang pag-aasaran.

"Uy, ba't 'di mo na naman ako pinapansin parang nung isang araw lang nag-$^$&$&$*&", 'di niya na natapos ang sinasabi dahil tinakpan na ni Trence ang bibig niya at hinila siya papunta sa isang tabi.

"Bakit mo ba tinatakpan yung bibig ko ayaw mo bang sabihin ko sa kanila na ^*&^*^%^%&^", at tinakpan na naman ni Trence ang bibig ni Raven, pero maya-maya ay lumayo na rin siya dito.

"Layuan mo nga ako, makipag-holdings hands ka na lang ulit dun sa kasama mong lalaki kahapon", sabi ni Trence at bumalik na sa upuan niya.

 "Sinong lalaki", parang naguluhang sabi ni Raven.

"Yung lalaking kasama mo kahapon, yung dahilan kung bakit hindi ka pumasok", singit ko na sa usapan nila mukha kasing ayaw na din ni Trence na sumagot. Nandoon na naman siya sa sulok at nakasimangot.

Nagulat ako ng mapansin akong kakaibang mga tingin ni Crunchy kaya Raven. Para siyang galit at tinataniya niya si Raven. Ano na naman'to?

"Saan ninyo naman nalaman iyan", sabi ni Raven na nakakunot na ngayon ang noo.

"Nakita ka namin sa bintana kahapon, andyan kayo sayo tapat", sabi ko sabay turo sa bintana sa tabi ko.

Mukhang nag-isip si Raven base sa pagkunot ng noo niya sa amin. Mukhang lahat kami ay nag-aabang sa sagot niya. Bigla rin kasing napatitig si Trence sa kanya nung marinig yung sinabi niya.

"AH, Alam ko na! Ang nakita ninyo bang kasama ko ay isang lalaking matangkad itim ang buhok, naka-suit at rubber shoes ang suot na sapatos", sabi ni Raven sabay muwestra pa sa mga sinasabi niya.

At nagbalik naman ang isip ko sa kahapon. Aba, oo nga ganon nga yung itsura nung lalaki!!

"Oo, yun nga yung lalaking tinutukoy namin", sagot ko sa kanya at nakita kong tumango-tango din si Trence sa gilid ko.

"Waah! Nagseselos ka ba, Trence, my labs?", tanong naman niya sabay lapit kay Trence at upo sa tabi nito. Hindi naman siya sumasagot at nakayuko lang siya sa upuan.

"Huwag ka na magselos!! Kuya ko lang yung kasama ko kahapon.", masaya at nagniningning ang mga mata na sabi ni Raven.

Hindi pa rin nagsalita si Trence o kahit iaangat man lang ang ulo niya para bigyan ng pansin si Raven. Tinawag ko na lang si Raven para makipagkuwentuhan habang wala pa 'yung Professor. Unti-unti na rin kasing nagdadatingan yung iba pang mga estudyante ng Night Class.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon