IMY 20

464 14 2
                                    

AN:
Another super late update! Sorry! Pero wag kayo mag-aalala tatapusin ko 'to

Enjoy Reading <3

****************

Crelle's POV

"Aba't ayos ka bata ah! Kanina ka pa namin pinapahirapan pero ni sigaw mo hindi pa namin naririnig", naasar na sabi ng isa sa mga pulis na nandon.

"Pwe!!, sabay dura ni Crelle ng dugo sa mukha ng nagsalitang pulis. Mahina ka kasi, g*g*. Hanggang diyan lang ba ang kaya mo! Sa nilaki laki ng katawan mo, wala naman pa lang kagamit-gamit", nakangising sagot ko sa kanila.

"Aba't 'tong--", at naramdaman ko na lang ang panibagong mga suntok at sipa nila sa katawan ko.

Masyadong ng manhid at duguan ang katawan ko para makaramdam pa ng kahit anong sakit.

Ewan ko pero sa bawat suntok at sipa nila sa akin, mas lalo lang lumalakas ang loob ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa impyernong seldang 'to kasama ang mga demonyong pulis na 'to pero ang alam ko lang mula nung dinala nila ako dito mula sa interrogation room ay hindi na ako muli pang nakalabas.

"Oh, di yan ang napala mo ngayon. Asan ang yabang mo ngayon? Ha!, g***"

Sumusuka na ako ng dugo sa sobrang dami ng pasa at alam kong bali na rin ang dalawang paa ko dahil sa patuloy nilang paghampas dito ng tubo kanina. Ni hindi na makilala ang mukha ko sa dami ng sugat at pasa at ramdam kong bali na rin ang ilong ko pero sa kabila ng mga 'yon hindi pa rin nawawala ang sobra-sobrang galit ko sa kanila at ang matibay na paniniwala kong maililigtas pa ako dito ng isang tao.

"Hahahahaha"

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha nila dahil sa patuloy kong pagtawa.

"Hahahahaha"

"A-ano bang nangyayari sa'yo?"

"N-nababaliw na a-ta itong isang 'to, boss!", mukhang kinakabahang sabi ng isa sa mga pulis na nandon.

"H-hayaan ninyo na 'yan, m-mukhang bumigay na ang turnilyo sa utak niyan. L-lumabas na lang tayo", at nagmamadali ng lumabas ang pinuno nila habang nag-uunahan naman sa pintuan ang mga alipores niya

Pagkalabas nila ay agad na nawala ang halakhak na nakabahid sa aking bibig

"Liriko, mahal ko.....

At tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan....

3rd Person's POV

Nag-uusap ang dalawang pulis sa tapat ng istasyon na kinalalagyan nila, ang istasyon kung saan dinala si Crelle.

"Pare, buti na lang nahuli na talaga 'yung serial killer don sa mga patayan sa mga bodega 'no?", tanong ng isa sa dalawang pulis.

"Oo nga eh, pero grabe yun. Isa kaya ako sa mga tao sa loob kanina at nakita ko na bakla pala 'yung gumawa non", nakangising sabi ng kausap niyang pulis.

"Hahaha grabe ah kahit pala bakla makakagawa ng ganon. Totoo ngang mga salot sila sa lipunan", nakangisi at mukhang nandidiring sabi ng pulis.

"Pero ibang klase din ang taong yun kahit anong pagpapahirap namin sa kanya, ni minsan hindi siya umiyak o sumigaw man lang", may pagkatakot na makikita sa mukha niya.

"Baka naman may sa demonyo 'yang baklang 'yan kasi papaano niya naman mapapatay yung ganon kadami na nag-iisa lang siya"

"O' baka naman may mga kasama siya?"

"Sa baklang 'yun? May tutulong ba don? Haha baka naman siya pa ang mabugbog dahil di siya nakapagbayad ng booking haha"

"Oo nga naman bakit ba ako natatakot don wala namang matinong taong dapat matakot sa kanya. Siya ang dapat matakot sa atin hahaha", sabay nagtawanan na silang dalawa.

"Ah, ganun ba! Bakit ano ba ang mga ginawa, ginagawa at gagawin ninyo sa kanya?", sabi ng isang tinig na bigla na lang nakalapit sa dalawang nag-uusap.

Hindi napansin ng dalawa ang bagong dating kaya nagpatuloy rin sila sa pagsagot.

"Siyempre ipagpapatuloy pa rin ang pagbugbog at pagpapahirap sa kanya o di kaya bilang pakonswelo namin sa kanya puwede naman namin siyang paligayahin hahaha", at nagtawanan pa ulit sila ni hindi pansin ang pagdilim ng mukha ng nagtanong at ang pagpapalit ng kulay ng mga mata nito mula itim hanggang maging pula.

"Ah talaga ano pang balak ninyong gawin sa kanya", tanong mula sa isa pang lalaking lumabas mula sa dilim.

"Siyempre bilang kabayaran sa lahat ng kasalanan niya dapat lang na mamatay siya"

"Ah talaga sinong papatay sa kanya, ikaw?", sabi ng unang lalaki sabay hawak sa leeg ng lalaking nagsalita

"Anong -----"

"Anong karapatan mong sabihan ng ganyan si Crelle! Sa tingin mo bago mo siya mahawakan, hindi pa kita napapatay! Gustong-gusto kitang patayin ngayon pero mukhang may mga tao pa kong dapat unahang pagtuunan ng pansin", at isang nakangingilabot na ngiti ang sumilay sa mukha ng misteryosong lalaki.

"Tama po kayo, kamahalan. Unahin muna nating pagtuunan ng pansin ang pagliligtas kay Crelle", sabi ng isa pang lalaki na walang iba kung hindi si Trence.

"Oo naman, ngayon nila matitikman kung paano maghiganti ang isang demonyong sinaktan ang minamahal. Tingnan natin kung hanggang saan sila tatagal", at basta na lang niya hinagis ang hawak na pulis sa kung saan habang ang isa naman ay kanina pa napatumba ni Trence.

"Then, let the show begin, Your Majesty, Devil Prince.....

Prinsipe Liriko

***********
Raven's POV

Kagagaling lang namin ngayon sa Luneta at gulantang talaga ako sa mga nangyari kanina mula sa pagdating ng unknown girl na 'yun mula sa pagpapakilala niya bilang si Alianna which is sabi sa akin ni Trence my loves ay ex-girlfriend-slash-greatest love ni Liriko.

Hindi ko na tuloy alam kung anong pag-alalay at pagsuporta ang puwede kong gawin kay Crelle para mawala ang pagkabagabag at pagkabalisa niya kanina pa.

Hay! Nasa bahay na ko pero sila pa rin ang iniisip ko. Hindi ko rin tuloy maituloy-tuloy ang pagde-daydreaming tungkol sa mga nangyari sa amin ni Trence kanina.

Bigla na lang pumailanlang sa kuwarto ko ang tunog ng paborito kong kanta in the whole wide world. 'Ikaw' by Yeng Constantino. Naaalala ko kasi diyan si Trence.

Hay naku, lahat na lang ng bagay tungkol kay Trence, my loves. Well, ganyan talaga 'pag inlove...

Unknown Number Calling .........

Yun ang nakalagay sa phone ko ng tingnan ko kung sino ang tumatawag.

Hindi ko 'to kilala so reject...

Ilang beses ko ng ni-reject yung tawag pero patuloy pa rin siyang tumatawag. Sa sobrang asar ko sinagot ko na rin.

"Hello sino ba 'to?", asar na tanong ko.

"Mabuti naman at sinagot mo din, Raven", sabi naman ng isang boses-babae sa kabilang linya.

"Sino ka ba at anong kailangan mo sa akin?"

"Huwag kang mainip, Raven darating din tayo diyan"

"Manahimik ka! Ano ba kasing kailangan mo at bakit mo ko kilala"

"Magagalit ka pa kaya sa akin kung sasabihin ko sayong kilala ko kung sinong pumatay sa mga magulang mo.....

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon