IMY 27

240 7 9
                                    

Caden's POV

"Ate?!!!!", gulat ang agad na bumungad sa aking mukha.

"Ako nga!", at nakangiting lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

Isang bagay na nakasanayan ng gawin ng ate ko noon.

Mas lalong nanlaki ang mata ko. Ayokong maniwala na siya nga ito dahil alam ko naman na matagal ng patay ang ate ko at kung maaari man siyang bumalik 'yun ay sa katauhan lang ni Crelle.

"Hoy, liit naestatwa ka na diyan!", at nakangiting niyakap niya ako.

Gusto kong maiyak sa yakap niya ramdam ko ang init ng yakap ng ate ko. Yung yakap na hinahanap hanap ko.

"Anong? Paanong?"

Isang tawa lang ang narinig kong sagot niya.

"Anong sabi ko sa'yo, liit? Tatapusin mo dapat lahat ng sinisimulan mo, pati sa pagsasalita dapat ganon. Nawala lang ako, ganyan na tsk tsk", nakangiti pa ring sabi niya.

"Ate!!", at niyakap ko na siya ng mahigpit. Sabi man ng utak ko hindi siya ang ate ko, kilala naman siya ng puso ko.

Ang babaeng nagpalaki at nag-alaga sa akin. Ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko.

Ang Ate ko

****
Crelle's POV

Ang sarap sarap ng tulog ko dahil katabi ko si Liriko. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit na natutulog ako. At sa pagmulat ko ng mga mata, ang napakaguwapo niyang mukha ang bumungad sa akin.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nangyayari kung ganito ba naman ang bubungad sa akin tuwing umaga aba araw-araw akong gaganahang gumising. Kung nananaginip lang ako parang ayoko ng magising. Hinawakan ko ang malambot niyang pisngi. Ni sa panaginip hindi ko maiisip na mangyayari sa akin ang ganito. Dati umiikot lang ang mundo ko kay Lolo at sa pag-aaral, ngayon may bago na akong mundo. Masakit pa man sa akin hanggang ngayon ang pagkawala ni Lolo pero totoo nga ata ang kasabihang kapag may umaalis, may bagong darating. Hindi ko man inaasahan at ginusto pero nawala si Lolo (technically hindi pa naman patay si Lolo nung dumating siya umalis lang ng bahay) at dumating siya. Siya na naging karamay ko sa sakit at galit na naramdaman ko sa pagkawala ni Lolo, galit sa mga taong pumatay sa kanya at sakit sa katotohanang 'di ko na siya makikita pang muli. Ni minsan kahit na gaano ko kamahal si Liriko hindi ko pa rin maiwasang isipin si Lolo. Siguro kung hindi nawala si Lolo mas masaya ako ngayon, siguro kumpleto na talaga ang kaligayahan ko.

Ganun naman talaga siguro may mga taong mahirap kalimutan dahil bukod sa sila ang humubog sa pagkatao mo, sila rin ang unang nagpakita sayo ng pagmamahal.

At kahit kailan hindi na magbabago 'yun.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Liriko at pagtingin ko sa mukha niya, nakamulat na ang mga mata at nakangiti na siya sa akin.

"Good morning, mahal ko. Ang sarap namang gumising sa umaga na ikaw ang una kong makikita. Salamat at minahal mo ko, mahal na mahal na mahal kita", at isang halik sa noo ang binigay niya sa akin.

Ibang klaseng saya ang naramdaman ko. Tama nga siya napakasayang gumising na mukha niya ang unang makikita. Hindi ko man inaasahan na darating siya sa buhay ko pero araw-araw kong ipagpapasalamat ang pananatili niya sa tabi ko.

Siya ang dahilan ng bawat ngiti ko sa umaga at ang dahilan kung bakit patuloy akong umaasa ng magandang bukas para sa aming dalawa.

Sana hindi na matapos ang araw na 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon