IMY 13

740 24 1
                                    

A/N:

Si Lukas po yung nasa gilid. Sana po magustuhan ninyo <3

                                  +++++++++++++++++++++++++++++

Raven's POV

Isang linggo

Ganyan na katagal na hindi ko nakakausap si Crelle. Lagi na lang niyang kasama si Lukas at parang wala siyang nakikitang ibang tao tuwing magkasama sila.

Nang makita ko siya non sa harap ng school ay dali-dali ko siyang dinala sa Ospital at tinawagan sina Liriko, Trence at Crunchy pero walang sino mang sumagot sa tawag ko. Buti na lang at alam ko yung cellphone number ni Lukas at siya na lang ang tinawagan ko. Siya ang nagbantay kay Crelle nung umalis ako dahil may emergency sa bahay. Pagbalik ko kinagabihan ay mukhang may sinabi ng kung ano si Lukas sa kanya kasi hindi niya na ako kinakausap.

Si Trence na lang ang lagi kong kasama at gusto ko mang matuwa dahil na sa akin n ang buong atensyon at oras niya pero hindi ko rin magawa. Para kasing may nangyayaring kakaiba dito, hindi ko lang talaga mapagtanto kung ano.

Isang linggo na rin kasing 'di pumapasok sina Liriko at Crunchy at tuwing tinatanong ko si Trence kung nasaan ang mga kapatid niya ay hindi daw niya alam. Isa pa 'yun sa mga bagay na pinagtataka ko, hindi naman kasi puwede na hindi niya alam kung nasaan yung dalawa kasi sobrang close nila para maglihiman.

Nandito na naman kami sa room at patapos na ang klase para sa araw na ito pero wala pa ring pagbabago. Hindi pa rin kami pinapansin ni Crelle na wala pa ring reaksyon habang katabi na naman ngayon si Lukas. Si Trence naman ay nandito sa tabi ko at kanina pa nakatitig sa akin habang nakangiti. Hindi naman sa hindi ako natutuwa at kinikilig sa ginagawa ni Trence pero ewan ko ba parang 'di ko maramdaman yung dating kilig na nararamdaman ko sa bawat simpleng tingin lang ni Trence.

Nafa-fall out of love na ba ako sa kanya? Parang pakiramdam ko lagi ibang tao ang kasama ko. Lagi siyang nandiyan na kahit sa CR ay hinihintay niya pa ako. Parang hindi naman siya nandoon dahil gusto niya kong makita o alagaan parang nandoon siya para....bantayan ako.

Pinag-iisipan ko pa rin kung anong nangyayari sa grupo namin para humantong sa ganito.

Mamaya pa tumunog na 'yung bell at nagmamadaling ng lumabas ng room sina Crelle at Lukas. Sinubukan ko silang sundan at iniwan ko si Trence na mag-isa sa room.

"Crelle, Crelle sandali lang usap tayo!", paghabol ko sa kanya.

Huminto naman sila sa paglalakad at tiningnan ako. Wala pa ring kahit anong ekspresyon sa mukha si Crelle kahit na nakatingin na siya sa akin.

"Ano yon?", malamig na tanong sa akin ni Crelle.

"Puwede ba tayong mag-usap ng tayo lang dalawa?", tanong ko sa kanya saka tumingin kay Lukas na nasa tabi pa rin niya at pinapanood kami habang nakangisi sa akin. 

"Sige", at tiningnan niya si Lukas.

"Hintayin na lang kita sa gate", sabi ni Lukas at naglakad na paalis.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon