IMY 8

1.4K 30 4
                                    

     AN:

Crunchy on the side                                                 

                                                                  ************************

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Liriko hanggang makarating kami sa isang classroom na walang tao sa loob. Alas singko na rin kasi at nagsiuwian na ang mga estudyante.

Humiwalay ako sa hawak ni Liriko at umupo sa isang bakanteng upuan sa tapat ng Teacher's table. Nag-iisip ako ngayon kung sasabihin ko ba kay Liriko yung mga nalaman ko mula kay President Rodriguez at kay Raven. Humila siya ng upuan, iniligay sa harapan ko at ngayon ay nakatitig na siya sa akin. 

Naiilang ako sa ginagawa niya kaya yumuko na lang ako. I think I don't deserve this kind of attention. Ano lang ba ako, isa lang naman akong bakla na nangangarap mahalin at tanggapin ng ibang tao. Parang hindi kapani-paniwala ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Parang naghihintay akong magising sa isang panaginip at magising sa totoong mundo kung saan mag-isa na naman ako.

"Mahal kita", pagbasag ni Liriko sa takbo ng isip ko.

"Ha?", gulat kong sabi.

"Mahal kita kahit ano ka pa at hindi mo na kailangang magtaka nababasa ko ang isip mo. Hindi mo na rin kailangang banggitin sa akin ang night classes sa school na ito, alam ko na yon. Sabihin mo na lang sa akin na mahal mo din ako", nakangising sabi ni Liriko.

Namula naman ako doon at napayuko na lang. Paano kaya nangyari yun?

"Alam mo naman sigurong 'relaned' na tayo 'di ba?", nakangiti na namang sabi niya sa akin.

Totoo ngang nababasa niya ang isip ko. Sige nga subukan nating tingnan kung malaman niya ang iniisip ko at nag-isip nga ako ng isang pangyayari pero hindi ko akalaing kakaiba yung maipapakita ko.

"Waaah", sigaw ko para ma-distract siya at baka sakaling di niya mabasa yung iniisip ko pero mukhang huli na 'ko kasi mas lumawak pa ang ngisi niya ngayon.

Ba't ko ba kasi naisip yung panahon kung kailan nakita ko siya nakahiga sa kuweba at na gustong-gusto ko siyang halikan nung mga panahong iyon. 

Yumuko na lang ako habang nag-umpisa na siyang tawanan ako. Nakakahiya talaga.

"Darating din tayo diyan, mahal ko. Ipapaliwanag ko muna sa'yo ngayon kung paano ko nababasa ang isip mo.", nakangisi pa ring sabi niya.

"Paano nga ba", sabi ko na inangat na ang ulo ko at tiningnan siya ng diretso. 

Ang guwapo niya talaga. Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan siya, pinipigilan niyang ngumiti pero alam kong nabasa niya. Hay, ang tanga tanga ko talaga

"Mabalik tayo sa pinag-uusapan natin. Bago ako nakatulog at bago ka na--nawala, gaya nga ng sinabi ko relaned na tayo", hindi makatingin sa akin na sabi niya.

Sa tingin ko sa kanya ngayon, nahihirapan pa rin siyang tanggapin ang pagkamatay ni Alliana noon. Hindi ko din alam pero nakaramdam din ako ng sakit sa isiping yun. Ano bang nangyayari sa akin? Ano itong nararamdaman ko ngayon?

"Ano bang ibig sabihin ng 'relaned' at anong kinalaman noon sa pagkakaroon mo ng kakayahang basahin ang isipan ko o isip ko lang ba ang kaya mong basahin o lahat kaya mong basahin", curious kong tanong.

"Sa'yo lang ang nababasa ko at dahil yun sa bond natin. Ang pagiging 'relaned' ay isang importanteng bagay para sa aming mga Demonyo, isa itong sagradong bagay para sa amin at sa inyong mga tao katumbas ito ng kasal. Kasabay ng pagiging 'relaned' nating dalawa ay ang pagkakaroon natin ng kumunikasyon sa isa't isa sa pamamagitan ng isip", sabi niya at tiningnan ako.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon