IMY 4

1.2K 46 13
                                    

A/N:

Sana magustuhan ninyo po siya. Comment and vote po kayo kung magustuhan ninyo. Thanks

************************************************************************************************************

Aklan,  July 11, 2014

Crelle's POV

"Nandito na tayo sa Aklan bumaba na kayong lahat", naalimpungatan ako dahil sa sigaw na yun ng aming Professor.

Naginat-inat muna ako at sinanay ang mga mata ko sa paligid. Nakita kong gising na din ang love birds sa unahan ko . Ang sweet talaga nila Lime at Charlene. Hindi naman sila yung tipikal na   naglalambingan sa harap ng ibang tao kahit nga holding hands, madalang lang nilang gawin pero makikita mo sa kanila na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Ano ba yan, Crelle. Kagigising mo pa lang nagse-self pity ka na naman. Hindi healthy yan akala ko ba titigilan mo na 'yan

Tama titigilan ko na ito, tumayo na ko, inayos ang mga gamit ko at lumapit sa dalawa.

"Baba na tayo, guys", sabi ko sa dalawa at sumandal na din sa upuan nila.

"Sandali lang, honeypie. Ayusin ko lang gamit ko", sabi ni Charlene at inumpisahan na ngang ayusin ang gamit niya. Nakitulong na rin kami ni Lime sa kanya hanggang sa wakas natapos din kami at nakalabas na rin ng bus.

Tumingin muna ako sa labas ng bintana at nakita ko na nakahinto ang mga bus ng school sa clearing dito sa may paanan ng bundok. Unusual ito kasi kadalasan nagfi-field trip ang mga school sa mga sikat na tourist destinations at yung may mga educational background pero wala pa akong naririnig o nababasa tungkol sa isang bundok na merong ganoong klasrng criterias.

Eerie ang place na ito at parang ang daming tinatagong misteryo. Hindi ko alam pero kinilabutan ako bigla parang ano mang oras may kung anong lalabas dito at sasakmalin kami.Ano nga kayang naisipan ng school namin at dito pa kami dinala. Tumabi na lang ulit ako kila Lime na patayo na rin para bumaba.

"Salamat, honey pie", sabi sa akin ni Charlene sabay halik sa pisngi ko at paghawak sa kamay ko. Nakita ko naman sa gilid ko si Lime na nakasimangot na naman. Ang seloso talaga nitong taong tao, pati ba naman ako pageselosan. Hay naku!!

Close talaga kaming dalawa ni Charlene o Char at honeypie talaga ang tawagan namin sa . Wala man akong kapatid, si Char yung pumuno ng lahat ng yun: older sister, younger sister, mama, lola, best friend at girl friend rolled into one. 'Yan si Char sa buhay ko kaya ni minsan hindi ako nagdamdam nung naging sila ni Lime kasi alam ko na kung may tao man na deserve lahat ng best sa mundo, siya yun. Pero kung nagkataong pareho kaming nagkagusto kay Lime, alam kong parehas namin siya igi-give up kasi mas importante sa amin yung pagkakaibigan namin kaysa sa pag-ibig na yan.

Kung lalaki lang siguro ako baka nakikipagpatayan na ako kay Lime ngayon para kay Char at kung nangyari yun alam kong ako ang mananalo. Ako kaya ang first love ni Char, side lines lang noon si Lime at sa akin nakatuon ang buong atensyon ni Char. Pero siyempre dahil ayoko namang magpaasa ng tao, tinapat ko si Char na hindi talaga kami puwede. Alam naman kasi niyang bakla ako pero umaasa pa rin siya na magbabago ako balang araw pero ilang paglubog at pagsikat man ng araw ang hintayin niya, hinding-hindi na ako magbabago. Kaya ayun binigyan ko na ng konting tulong si Lime para mapansin siya ni Char at nagtagumpay naman siya kaya wala talaga siyang karapatan na pagselosan ako ngayon. Kapal niya!!

Speaking of pagseselos, nakatingin na naman sa amin lahat ng mga estudyante pagbaba namin ng bus lalo na at hawak ni Char yung kamay ko tapos nakasunod pa sa amin si Lime. Sikat kasi kaming tatlo dito sa school, si Kyle yung bad boy prince ng school, si Char naman yung prinsesa kasi bukod sa mayaman ang pamilya niya, mabait at maganda pa siya, at ako: isang scholar ng school na ito, president ng student council, top ranking student at best friend ng dalawa. Kaya ayan pag magkakasama kami kuha na agad namin ang atensyon ng lahat. 

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon