IMY 17

451 12 1
                                    

Author's Note:

Sorry, sorry talaga sa napakatagal na update, medyo naging busy lang talaga. Don't worry po may kasunod na 'to 'di ko pa lang sure kung this week or next sunday ko siya maipo-post basta ang sure lang maipo-post ko siya agad. Thanks po sa pag-aantay!

Salamat po sa 4.4k reads. So overwhelm...

Enjoy Reading <3

********************************

"Dito pala kayo nakatira! Ang ganda naman", ang sabi ng babaeng nagpakilalang si 'Alianna' na nagpumilit sumama sa bahay namin.

Nagpatuloy pa siya sa paglilibot at pagsipat-sipat sa bahay namin. Tinitingnan lang namin siya pero ramdam ang tensyon sa paligid

Pagkatapos kasi ng rebelasyon niya kanina ay nawalan na kami ng dahilan para pumasyal pa kung kaya't napagpasyahan na naming umuwi na agad at eto nga sumama na siya sa amin.

"Grabe, mahal ko. Dito ka lang pala nakatira ang tagal tagal na kitang hinahanap, magkalapit lang pala tayo", sabi ni 'Alianna' at humilig pa kay Liriko. "Diyan lang kasi ako sa kabilang bayan" at muling kumapit kay Liriko

Eto pa ang isang bagay na kanina ko pa kinakaasar. Mula ng makita niya si Liriko kanina ay para na siyang linta kung makakapit dito at ang mas masakit pa doon ay hinahayaan lang siya ni Liriko. Nakatingin lang siya kay 'Alianna' at ni hindi siya nagpapakita ng kahit anong emosyon sa mukha niya.

Gustong-gusto ko ng kausapin si Liriko tungkol dito pero nahihirapan ako dahil sa patuloy na pagkapit sa kanya ni 'Alianna'.

"Sa inyo ba 'tong bahay, mahal?", tanong ni 'Alianna'.

Nanatili lang nakatingin sa kanya si Liriko, mukhang walang kabalak-balak na sagutin siya.

"Hindi sa amin ang bahay na 'to. 'Kila Crelle 'to, nakikitira lang kami", salo ni Trence sabay turo sa akin.

"Waah!! May iba pa pala kayong kasama at ang guwapo niya pa", sabi niya at lumapit pa para yakapin ako.

"Hello! Ako nga pala si Alianna, asawa ni Liriko", sabay abot sa akin ng kamay niya.

"Ako si C-Crelle, kai-kaibigan ni Liriko", sabay kuha ng kamay niya at paglabas ng pekeng ngiti sa aking mukha.

"Mabuti naman pala at maraming kaibigan ang mahal ko", nakangiting sabi niya at muling kumapit kay Liriko, na kasalukuyan nang nakatingin sa akin.

"Ah sige sa taas muna ako, may gagawin pa pala akong project", palusot ko na lang. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko.

Nagmamadali na akong umakyat ng hagdan sa kabila ng mga pagtawag sa akin

Dire-diretso ako sa loob at humiga sa kama ko.

Inisip ko ang lahat ng mga pangyayari kanina. Mula sa munting away namin, sa first kiss ko, sa pagbabati, sa sweet words hanggang sa pagdating ng nagpapakilalang Alianna.

Akala ko perpekto na 'tong araw na 'to, na ito na ang yung araw kung saan masisiguro ko na sa sarili ko na ako lang talaga yung mahal ni Liriko.
Na hindi ko na kailangang mangamba na may darating pang iba kasi tanggap niya kung sino ako at minahal niya pa rin ako sa kabila n'on.

Pero totoo nga yatang walang perpektong araw, kasi kahit gaano man kasaya ang bawat simula ng araw mo darating pa rin ang pagkakataon na lulubog ang araw at magtatapos ang masasayang pangyayari. Sa kaso ko naman, para kong sinampal ng katotohanan na, 'oo nga pala hindi naman talaga ako 'yung minahal niya, mas nauna niyang minahal 'yung supposed to be reincarnation ko'.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon