IMY 18

455 16 3
                                    

Author's Note:

As promised eto na po yung kasunod

Enjoy Reading <3

***************

Lumipas ang limang araw matapos ang araw na nakilala namin ang nagpakilalang si 'Alianna'. Madalas pa rin siyang nakadikit kay Liriko at halos matulog na siya sa bahay namin sa kakasunod niya kay Liriko. Mabuti na nga lang at hanggang ngayon ay wala pa rin si Lolo dahil siguradong aatakehin yun sa puso 'pag nakita niya kung gaano karaming tao na ang laging nasa bahay namin.

Hindi ko naman siya mapaalis dahil naturuan ako ng magandang asal at isa na don ang pagrespeto sa babae. At isa pa ano namang sasabihin kong dahilan para huwag siyang papuntahin ng bahay? Ano, na inagaw niya ang boyfriend ko. Ayoko naman ng ganon para namang napakasama ko.

Saka hindi pa rin talaga namin alam kung ano ang tunay na pakay niya o kung sino ang nagpadala sa kaniya, kaya wala rin akong magawa kung hindi pagtiisan ang presensya niya.

Hindi rin naman ako iniiwang mag-isa ni Raven lalo na't wala naman si Trence ngayon kaya marami siyang free time para sa akin. Lagi rin tuloy siyang nandito sa bahay at siyang lagi kong kakampi.

Si Crunchy naman ay bigla ring naglaho nung sumunod na araw pero 'di tulad ni Trence, hindi siya nagpaalam kahit kanino kaya isa pa siya sa mga inaalala ko.

Si Liriko naman ay lagi pa ring kasama ni 'Alianna' pero halos minu-minuto rin kaming magkausap sa mga isip namin.

Mukha mang ako ang mang-aagaw sa perpekto nilang relasyon, hindi ko pa rin maiwasang matuwa na kahit sa maliliit na paraan pinapakita pa rin ni Liriko na ako ang mahal niya.

Katulad na lang ngayon

Linggo ngayon kaya medyo late na 'kong nagising alas nuwebe treinta na ng umaga nung huling tingin ko sa orasan. Nagmamadali akong bumaba dahil nararamdaman ko na ang gutom, nakatulugan ko na kasi ang pagkain kagabi kung kaya't sobrang nagwawala na talaga ang mga alaga ko sa tiyan

Pagbaba ko ng hagdan ay nagulat ako dahil napakabango ng bahay at amoy na amoy ang nilulutong ulam.

"Good morning", nakangiting sabi ni Liriko na naabutan kong siyang nagluluto sa kusina. Suot niya rin ang paboritong apron ko na niregalo sa akin dati nila Lime. Blue apron na may print na "Kiss the Chef" at drawing ng isang malaking kissmark sa isang bahagi.

Uminit agad ang pisngi ko sa nakita ko. Bagay na bagay sa kanya yung apron at mukhang sanay na sanay siyang magluto dahil amoy na amoy ko hanggang sala ang napakabangong aroma ng niluluto niya.

"Pinagluto pala kita ng 'Hilabos na Hipon'. Sana magustuhan mo. Nakita ko kasing 'di ka nakakain kagabi kaya gumising talaga ako ng maaga para ipagluto ka. Kain kang marami ha", nakngiti niyang sabi habang inuumpisahan na kong paghainan.

Sinusubukan kong tumulong pero tinataboy niya rin ako kung kaya't tahimik na lang akong naupo sa isang tabi at pinanood ang pinakasexyng- este pinakamagaling na paglulutong nakita ko.

Maya-maya pa ay luto na rin ang ulam at naghain na rin siya. Nag-umpisa na rin siyang maupo sa katapat na upuan. Akala ko sasabayan niya akong kumain pero nung nagtagal na ay napansin kong hindi pala siya umupo dun para kumain. Umupo lang siya don para panoorin akong kumain

"Hindi ka kakain?", tanong ko sa kanya. Naiilang na kasi ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin.

"Busog pa 'ko saka masaya na 'ko makita lang kitang kumakain", nakangiti niyang sabi na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Ang corny mo. Gasgas na yang linyang yan", sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Nagpatuloy lang kami sa ganoong kulitan habang patuloy lang din ako sa pagkain.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon