IMY 16

649 18 8
                                    

Author's Note:

Pasensya na po sa matagal na update medyo busy lang pero don't worry po simula ngayon regular na po akong mag-uupdate tuwing weekends.

Enjoy Reading, guys <3

***************

Lumipas ang isang buwan na puno ng saya at kulitan sa aming lahat. Nakapag-usap at nagkalinawan na din sina Trence at Raven kaya balik na naman silang dalawa sa dati, kulitan at awayan, Raven style. Si Crunchy naman ay mukhang laging may malalim na iniisip at pag tinanong mo kung ano ba yung iniisip niya ay ngi-ngiti lang siya sayo ng pilit. Kami naman ni Liriko ay mas lalong kinikilala ang isa't isa at bawat araw ay mas lalo lang nadadagdagan ang pagmamahal ko sa kanya.

"Anong gagawin natin sa weekend?", biglang tanong ni Raven.

Kasulukuyan kaming nasa class room ngayon at hinihintay ang susunod na professor. Biyernes na kasi ngayon at magkakaroon.kami ng long weekend dahil holiday sa Monday at walang pasok.

"Hindi ko rin alam eh pero mas maganda siguro kung mag-bonding tayong lahat", sagot ko habang ine-enjoy ang mahigpit na hawak ni Liriko sa kamay ko at ang paminsan-minsang yakap niya sa akin.

"Ayos yung naisip mo ah!!! Pero saan namang lugar?", sabi ni Raven at nag-umpisa na ring mag-isip ng lugar.

"Sasama ba kayong dalawa?", tanong ko na patungkol kina Trence at Crunchy na mukhang kanina pa busy sa kung ano. Si Trence kasi ay may binabasang libro habang si Crunchy naman ay nakatulala na naman sa kawalan.

"Okay lang", sagot ni Trence na parang walang pakialam at tumango lang si Crunchy bilang pagsang-ayon.

Ano nga kayang meron sa dalawang 'to

Hayaan mo na lang sila

Pag-uusap namin ni Liriko at kasabay ang isang masuyong pisil sa kamay ko.

Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa pag-iisip ng lugar.

"Sa Luneta na lang kaya tayo!! Tapos daan na rin tayong Ocean Park", excited na sabi ni Raven na nagniningning pa ang mga mata.

"Aba, maganda 'yan 'di pa rin kasi ako nakakapunta ng Luneta", pagsang ayon ko naman.

Mula kasi nung lumipat kami dito sa Maynila ni Lolo ay hindi pa rin ako masyadong nakakapasyal dahil puro aral lang ang ginagawa para makasabay sa standard ng school na pinasukan ko nung high school.

"Ang cheap naman nila", narinig kong sabi ng isang babae sa likuran namin na sinundan pa ng tawanan ng apat na mga kaibigan niya.

"Tama ka diyan, girl. Magbo-bonding na lang Luneta pa!! So Jologs, cheap" - sabi pa ng isa

"At talagang si Raven pa yung nag-suggest ah! Isang sikat na artista pupunta ng Luneta at TAKE NOTE isasama pa niya yung kaibigan niyang bakla. So kadiri!!", at nakipag-apir pa siya sa mga kasama niya at humalakhak ng malakas.

Nakangiti ko lang silang pinagmasdan. Mga tao talaga walang ginawa kundi hanapan ng pagkakamali ang iba. Di naman namin sila kinakausap at ni hindi ko nga sila kilala. Tsk tsk..

Maya-maya ay bigla na lang umangat ang mga upuan nila at sabay-sabay silang napasigaw habang lumulutang sa ere.

"Tulungan ninyo kami! Ibaba ninyo kami dito", patuloy na pagsigaw nila habang mabilis na umiikot ikot sa ere ang mga upuan nila at may dumarating na putik mula sa labas ng bintana papunta sa kanila. Sa gulat ng lahat ay walang nakakilos hanggang sa kusa na lang silang bumagsak sa sahig na hilong hilo at napakadumi.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon