IMY 23

310 10 3
                                    

Author's Note:

As I told you mas mabilis na po ang update ngayon.

Thanks.

Enjoy Reading <3

********

Crelle's POV

Nakatulugan ko na ang pag-iyak pero hindi pa rin ako naniniwala na kaya kaming pagtaksilan ni Raven. Para pa rin akong nasa loob ng isang masamang panaginip. Parang mas gugustuhin ko pang bumalik sa kulungan na yun at magpabugbog ulit sa mga pulis basta't alam na sa pagbalik ko nandito pa rin si Raven sa tabi ko.

Si Raven na laging nandyan. Si Raven na hindi ako kailanman pinabayaan. Si Raven na nagmulat sa akin sa katauhan ko. Si Raven na kaibigan ko.

Alam ko hanggang ngayon hinahanap niya pa rin ang demonyong pumatay sa mga magulang niya na siya ring dahilan kung bakit sobrang galit siya sa mga demonyo pero eto na ba talaga yung dahilan. Dahil nagsinungaling kami sa kanya. Hindi ganon si Raven, alam kong may mas malalim pa siyang dahilan bukod dito. At yun ang dapat kong alamin. Kailangan ko ng alamin kung ano talaga ang katotohanan.

Tumayo na ko sa kama at nag-ayos. Binuksan ko ang pintuan at nakita kong nandon pa rin silang tatlo, kung san ko sila iniwan kagabi.

"Handa na kong malaman ang totoo", matapang na sabi ko at umupo na.

"Mahaba-habang kuwento 'to", bumuntunghiningang sagot ni Trence.

"Handa na akong makinig"

Nagtinginan muna silang tatlo bago nag-umpisa si Trence

"Alam mo namang matagal ng hinahanap ni Raven ang mga taong pumatay sa mga magulang niya 'di ba?", tanong agad ni Trence.

"Oo naman, ilang beses na bang kinuwento sa atin ni Raven ang tungkol sa pamilya niya at ang plano niyang paghihiganti sa mga pumatay sa kanila", naguguluhang tanong ko.

"Kilala ng lahat ng nandito kung sino ang pumatay sa mga magulang ni Raven", seryosong sabi ni Liriko.

"Sino?"

"Hindi naman talaga niya ginustong patayin ang mga taong yun. Nasa ilalim siya nun ng--", paliwanag agad ni Trence.

"SINO?? Tama na ang pagtatago ng sikreto! Hindi ninyo ba nakikitang sinisira tayo ng mga sekretong 'yan", galit ng sigaw ko.

"Si Crunchy. Si Crunchy ang pumatay sa mga magulang ni Raven", mahinang sabi ni Caden.

Nanghihinang napadausdos ako sa upuan sa narinig ko.

Si Crunchy, ang inosenteng si Crunchy kayang pumatay ng isang walang kamalay-malay pamilya!

"Hindi! May katibayan ba kayo? Mapapatunayan ninyo bang si Crunchy 'yun hindi magagawa ni Crunchy yun", hindi ko na namang mapigilang umiyak para kina Crunchy at Raven, parehas silang naiipit sa sitwasyon.

"Matagal na naming alam ang totoo. Sigurado kami sa bagay na 'to. Hindi ginusto ni Crunchy ang nangyari pero iba ang Crunchy-ng nakilala mo sa tunay na Crunchy. Hindi totoong nakababata ko siyang kapatid, ang totoo niyan siya ang kuya ko", mahabang sabi ni Trence.

"Kuya?"

"Oo, ako nga ang mas nakababata sa aming dalawa. Kayang magpalit ni Kuya sa kahit anong anyo at katauhan kung kaya't madali lang sa kanya ang ginawa namin", sabi ni Trence.

Tulala lang ako sa gilid habang pinipilit kong mag-sink in sa akin ang mga nangyayari.

"Si Crunchy ang isa sa pinakamatandang demonyo sa mundong ito. Mas matanda pa siya kay Liriko, ni hindi ko alam kung gaano na siya eksakto katanda", pagpapatuloy ni Trence.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon