IMY 26

310 10 4
                                    

Author's Note:

Sorry na naman haha super late na naman 'to pero hopefully makabawi ako sa chapter na 'to.

The picture is from QAF, which is my favorite gay theme T.V series (panoorin ninyo super ganda). Bagay lang kasi sa chap isipin ninyo na lang sila 'yan.

Enjoy reading<3<3<3

*****

Crelle's POV

Maayos naman ang naging pagtanggap sa amin ng lahat. Siyempre pagkatapos ng mga nakakagimbal na mga rebelasyon, inilibot naman ako nila Liriko at Trence sa loob ng Palasyo. Napakalaki pala talaga ng bahay nila parang hindi ko makita si Liriko na lumalaki dito, tumatakbo sa mga pasilyo, dumadausdos sa mga hagdanan at nadadapa sa pagmamadali. Napakatahimik ng lugar. Parang matatakot kang makabasag o humawak man lang ng kahit anong gamit dahil parang lahat ng bagay dito may itinatagong sekreto.

Lahat may ibig sabihin...

Pero siyempre awat muna ako diyan, masyado ng stressful ang buhay ko kaya i-eenjoy ko muna kung anong meron sa ngayon. 'Eto kami magkakasama nila Liriko at Trence sa iisang bahay at nakilala ko pa ngayon ang kapatid ko. So kailangan talaga, savor the moment. Marami mang nagbago, meron mang nawala at marami mang problemang dumating at least at the end of the day kasama ko pa rin ang pinaka-importanteng mga tao sa buhay ko.

Isang kamay ang bigla na lang yumakap sa bewang ko at naramdaman ko ang pagsandal ng isang ulo sa balikat ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Anong iniisip ng mahal ko?" sabi ng isang boses na kilalang kilala ko.

"Wala lang! Naisip ko lang kung ano kayang puwede nating gawin dito tutal naman, stop ang klase at mukhang magtatagal tayo dito", sabi ko na lang.

Alam ko namang kaming dalawa lang ang puwedeng mag-enjoy dito dahil may inutos sila Crunchy sa kapatid ko habang si Trence naman ay tahimik pa rin na nagkukulong sa kuwarto niya. Alam ko naman ang nararamdaman niya kaya hindi ko na rin siya pipiliting lumabas.

"Puwede namang dito na lang tayo", sabi niya sabay halik sa aking leeg.

May iba sa boses niya na parang nang-aakit. Nandito kasi kami sa kuwarto niya na ayon kila Crunchy ay kuwarto ko na rin. Dapat talaga ay sa isa sa napakaraming kuwarto sa Palasyo ako ilalagay kaso ay nagmamatigas si Liriko na hindi daw niya kayang mahiwalay sa akin at kung ilalagay ako sa ibang kuwarto ay doon na lang din siya. Kaya ang ending, iisa lang ang kuwarto namin.

Namula naman agad ako sa narinig. Kahit kailan talaga si Likriko!

"Ano namang g-gagawin n-natin dito", medyo utal kong sabi.

"Marami, depende sa kung anong gusto mo"

At isa na namang halik sa leeg ang naramdaman ko.

Napalayo naman ako at napayuko. Kinikilig ako na parang nahihiya. Wala pa man kasi akong alam sa mga ganoong bagay pero hindi pa naman ako ganon katanga para hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"Ewan ko sayo", hindi makatingin sa kanyang sabi ko.

"'Love you, mahal", sabi ni Liriko na nakayakap na naman sa akin sabay halik sa pisngi ko.

"Love you, too", sabi ko na napangiti na at sumubsob na rin sa leeg niya.

Nasa ganong posisyon lang kami ng ilang sandali at ine-enjoy ang katahimikan ng marinig ko siyang nagsalita.

"Pakasal na tayo, mahal"

"Ehh! A-aano bang pinagsasabi mo? Halos kasisimula pa lang ng relasyon natin? Ang bata bata pa natin! Nag-aaral pa tayo? Saka kasal agad wala munang ano yung ano yung-- engagement", natatarantang sabi ko na napahiwalay sa kanya. Pero hindi pa rin ako nakaalis dahil mahigpit ang hawak niya sa mga braso ko.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon