IMY 6

1.2K 40 10
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakikita ko ngayon.

Kayo ba anong mararamdaman ninyo pag nakita ninyong may TATLONG (CUTE) NA DEMONYONG TUMATALON SA KAMA NINYO!!!

Ano nga bang nangyari para humantong lahat sa ganito....

Flashback:

Sa bus 

Nang makita ko silang nakalutang sa labas ng bintana ng bus at kumakaway pa sa akin ay wala na akong ibang naisip kung hindi sumigaw na naman pero pinilit ko talagang pigilin dahil alam kong malaking gulo 'to sa oras na may makakita sa kanila. 

Sinubukan ko silang senyasan na umalis na sila diyan pero mukhang hindi nila ako naiintidihan kasi nandyan pa rin sila at pag tumitingin ako ay patuloy pa rin sila sa pagkaway. Ano bang nangyayari sa mga 'to para silang yung pusa sa mga chinese shop ang pinagkaiba lang nila ay mas cute sila.

Sinubukan ko na ring magsulat sa isang board para itanong kung bakit sila nandito at na umalis na sila kasi delikado pero ganon pa rin sila kaway at ngiti lang ng ngiti sa akin pero siyempre nakasimangot pa rin si Crunchy pero napaka-adorable niya pa rin. Sa kadesperaduhan ko ay sinubukan ko ng magsalita kahit na alam kong di naman nila ako maririnig sa labas pero desperado na ako na maintindihan nila yung gusto kong iparating pero wala pa ring epekto. 

Naupo na lang ulit ako at ngayon ko lang napansin na lahat na ng tao sa bus ay nakatuon na ang atensyon sa akin, at kasalukuyan ng lumalapit sa akin ang aming guro.

"Crelle, anong nangyayari sa'yo. Sinong kinakausap mo?", nag-aalalang tanong niya ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. Nakita ko rin ang pag-aalala ng bawat tao sa loob ng bus. Mukhang sa tingin nilang lahat epekto 'to ng nangyari sa akin kanina.

"Ah, wala po. Medyo masakit lang po yung ulo ko hahaha", pinilit kung magmukhang kapani-paniwala pero sa tingin ko mas lalo lang nagduda si Ma'am sa akin. Lumapit na siya sa bintana at hindi ko na siya pinigilan kasi mas mukhang kaduda-duda kung gagawin ko pa yun. Tahimik na lang akong nagdasal na sana hindi sila mapansin na alam kong imposibleng mangyari kasi ang laki laki nila tapos na sa tapat talaga sila ng bintana ko.

"Oh, wala naman palang tao dito", sabi ni Ma'am habang kasalukuyan pa ring nakatingin sa labas ng bintana ng bus.

Nakisilip na rin ako at nanlaki ang mata ko ng makita silang nandoon pa rin at nakangiti na naman sa akin. Tumingin agad ako sa aming guro at nakita ko naman na talagang parang wala talaga siyang nakikita gayung nasa harapan lang niya sila Liriko.

Anong nangyayari dito????

"Magpahinga ka na lang, Crelle. Mukhang pagod ka lang talaga", sabi ng aming guro at bumalik na sa kanyang upuan.

Seriously, iiwanan niya lang ako ng ganon ganon. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag o maasar ako kasi ang tingin na sa akin ng iba dito may problema sa utak. Pero hindi naman malabong mangyari 'cause they're all making me crazy!!! 

Ano 'to ako lang ang nakakakita sa kanila!

Hindi na ako lumingon pa sa bintana pagkatapos non ayoko nang madagdagan ang pagkapahiya ko. Quotang qouta na ko ngayong araw. Sinubukan kong matulog pero wala pang isang minuto ay tumunog na ang cellphone ko.

Hi, Crelle 

Iyan lang ang nakalagay sa text. Sino kaya 'to, number lang ang nakalagay so probably 'di ko 'to kakilala. Sino kayang hudas ang nagbigay ng number ko sa kung sino. Lagot siya sa akin sino man siya, masama pa naman mood ko ngayon.

Hoy, hudas ka sinong nagbigay ng number ko sayo?

Diretsong reply ko naman. Ayoko sa mga ganitong tao nagsasayang lang ng load.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon