IMY 2

1.4K 52 18
                                    

Sa kuweba, 7:00 pm ng gabi

Naalimpungatan ako sa mga bulong at mahinang pag-uusap sa paligid ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko at sa una puro dilim lang ang nakita ko pero unti-unti ding nasanay ang aking mata sa dilim at naaninagan ko na ang paligid. 

Puno ang kuweba ng mga batong matutulis kahit yung mga tinatawag na stalactites at stalagmites pero may isang lugar sa kalayuan ang medyo maliwanag. Mukhang nakakatakot nga ang kuwebang ito.

Sa kalayuan may nakita akong isang parang maliit na tao, para siyang isang duwende pero wala siyang mahahabang tenga at sa halip ay meron siyang sungay. Sa una ay gusto kong sumigaw pero parang may pumipigil sa akin para gawin ito. Mukhang totoo nga ang hiwagang bumabalot sa kuwebang ito. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napasigaw na ako.............

"Ang cute mo naman", sabay damba at yakap sa kanya.

Totoo ngang may mga demonyo at mukhang isa sa kanila ang maliit na nilalang na ito. Although sa paningin ko mukha siyang cute little devil pero hindi ko pa rin alam kung gaano siya kadelikado. Ngunit hindi ako makaramdam ng takot para sa napaka-cute na demonyong 'to. Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Bitiwan mo nga ako, maruming tao. Tigilan mo ang pagyakap sa akin at baka mahawa ako sa mga sakit mo.", sabi ng napaka-cute na demonyong hawak ko sa mga bisig ko ngayon.

"Anong pangalan mo, cutie", sabi ko sa kanya. Gustong-gusto ko talaga siya kahit na magaspang ang pinapakita niyang ugali sa akin, nakikita ko na harmless siya at mukhang gusto lang niyang ipakita na matapang siya. 

"Yan si Crunchy, ang bunso kong kapatid at ako naman si Trence", sabi ng isang matangkad na lalaking lumabas mula sa dilim. Guwapo siya pero makikita mo sa mga mata niya ang napakaraming lihim at kasamaang taglay nito.

"Ikaw anong pangalan mo?", sabi niya naman sa akin pagkatapos niyang umupo sa isang bato sa paligid at pinagmasdan ako ng maigi.

"Crelle", sagot ko habang patuloy ko pa ring yakap-yakap ang nagpupumiglas pero cute na si Crunchy, demonyo ba talaga 'ito napaka-cute talaga.

"Hahaha kakaiba talagang maglaro ang kapalaran sinong mag-aakala na ang reincarnation ni Binibining Alliana ay isang lalaki", naulinigan kong sinasabi ni Trence pero hindi ko siya gaanong naintindihan, concentrated pa rin ako sa pagyakap kay Crunchy.

Umugong ang katahimikan sa paligid at ang tanging maririnig na lang ay ang pagpoprotesta ni Crunchy. Makalipas ang ilang sandali, nagalit na ata sa amin si Trence kung kaya't hinablot niya na sa akin ang kapatid niya. Umupo silang dalawa sa bato sa tapat ko.

"Crelle, gusto mo bang malaman kung bakit sa dinami-dami ng taong nagtangkang pumasok dito ikaw lang ang nakapasok ng buhay", sabi bigla ni Trence na mukhang komportableng komportable sa puwesto niya.

"Oo nga naman at saka, ano ba talaga ang meron sa kuwebang ito", bumangon ang kuryosidad na sabi ko.

"May sumpa ang kuwebang ito, Crelle. Isang tao lang ang makakapasok dito at lahat ng magtangkang pumasok bukod sa kanya ay mamamatay.", seryosong sabi niya.

"At sino naman ang taong yun", napapaisip na sabi ko.

Napatulala naman sila sa akin at dun ko naisip, oo nga pala ako lang yung tao dito

"Ako ba!!!!", sabi ko agad at itinuro pa ang sarili ko

"Hay naku mabuti naman at hindi ka ganon ka-slow. Oo, ikaw nga ang tinutukoy namin pero hindi ikaw mismo", magulong paliwanag ni Trence.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon