IMY 5

1.3K 47 12
                                    

AN:

Si Liriko po yung nasa gilid. Sana po magustuhan ninyo. 

June 11, 2014, Sa kuweba

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod kay Trence ng hinala niya ako papunta sa maliwanag na bahagi ng kuweba. Kasunod naman namin si Crunchy na sa unang pagkakataon ay tahimik sa isang tabi.

Habang naglalakad ay naalala ko ang huling pagkakataon na nandito ako, yung time na una ko siyang nakita. Nang mga oras na malapit na kami ay nag-uumapaw na ang kaba sa puso ko at nanginginig na ang mga kamay ko.

Nang makarating kami doon ay nakita ko na nga siya. Wala pa rin siyang pinagbago mula nung huli ko siyang makita. Ang magandang hugis ng kanyang ilong at panga pati na rin ang nakahahalina niyang mga labi na napakapula. Ang halos perpekto niyang katawan na kita ko kahit na may damit siya na hindi ko alam kong paano niya napanatili gayong alam kong napakatagal niya nang natutulog. 

Nasa tabi na lang ngayon si Trence at Crunchy at pinagmamasdan lang akong nakatayo sa gilid ng higaan niya at pinagmamasdan siyang natutulog. 

"Bakit nga pala napaka-pormal ng mga suot ninyo", baling ko sa dalawa ng hindi ko na makaya ang nakakabinging katahimikan sa paligid at ang napakalakas na tibok ng aking puso.

"Wala ka ng pakialam dun, tagalupa", masungit na sagot sa akin ni Crunchy.

"Crunchy, wag kang ganyan. Hindi kita pinalaking bastos", paasik pero nakangiting sabi ni Trence sa kanya.

Kung may isang pang nagpapakaba sa akin sa pangyayaring ito ay ang itsura ni Trence. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya pero sa mga ngisi pa lang niya, alam ko ng may mangyayaring kakaiba ngayong araw na ito.

"Maayos ang bihis namin ngayon kasi sa kauna-unahang pagkakataon mula ng matulog ang Prinsipe, makakalabas na din kami ng kuwebang ito", nakangiting sabi ni Trence. Iba pa rin talaga ang ngiti niya parang di ko magawang matuwa.

"Ah ganon ba, ma-masaya ako para sa inyo pero pa-a-no ko ba siya gi-gisingin", nauutal at kinakabahang sabi ko.

"Tawagin mo lang ang tunay niyang pangalan", sabi ni Trence sa seryosong boses.

"Ha, di ba Liriko ang pangalan niya", naguguluhan kong sabi.

"Tama ka, yun nga ang pangalan niya sa mundong ito, ang pangalang binigay sa kanya ng kanyang ama pero hindi iyon ang pangalan ng kanyang kaluluwa", sabi niya sa seryosong tono.

"Pero ano bang pangalan ng kaluluwa niya", sabi ko.

"Hindi ko alam, hindi namin alam ni Crunchy at wala ring kahit sinong tao o demonyo ang nakakaalam non bukod sayo", sabi naman ni Trence.

"Bakit naman ako saka ni hindi ko nga siya kilala at ngayon ko lang siya nakilala paano ko malalaman yun", tanong ko naman.

"Alam mo yun, Lady Aliana", makahulugang sabi ni Trence.

Hindi ko na kinaya ang pagkaka-pressure na nararamdaman ko at pumikit ako. Pero sa pagpikit ko may mga alaalang nagbalik sa aking isipan.

************************************************************************************************************

"Ano ba kasi ang pinagka-iba ng pangalan mo sa pangalan ng kaluluwa mo. Parehas lang naman yun ah", naguguluhang tanong ng isang babae na base sa nakikita ko mukhang siya si Aliana.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon