IMY 14

846 19 3
                                    

A/N: Thanks for @Lilsaint25 for the beautiful banner at the multimedia. Thank you talaga sissy, the best ka!!

Sana po magustuhan ninyo <3

++++++++++++++

Crelle's POV

Nagpatuloy ang pagdating ng mga malulungkot na araw sa buhay ko.

Halos dalawang linggo na rin ang nakakaraan mula nang ma-ospital ako dahil sa lagnat sa kakahintay kay Liriko sa gate ng University. Ayoko ng maalala siya dahil sa mga nangyari, ni pangalan niya ayoko ng mabanggit. Lahat na yata ng paraan ginawa ko na para mawala siya sa isip ko. Kasama na doon ang laging sumama kay Lukas para kahit papaano ay malibang naman ako.

 Si Raven ay mukha namang masaya din kasama si 'Trence'. At ayoko rin namang maabala pa siya sa mga problema ko kaya hindi na ako sumasama sa kanya.

 Miss ko na si Raven.

 Miss ko na ang best friend ko.

 "Crelle, halika na", biglang sabi ni Lukas. Napatingin ako sa  harap ng classroom, paalis na lahat ng mga estudyante. Tapos na pala ang klase ni hindi ko man lang napansin. Masyado nga yata akong engross sa mga iniisip ko.

 "Sige", at inayos ko na ang gamit ko para makaalis na kami. Nakita ko na naman sa kabilang panig ng room si Raven na nakatingin sa amin habang malungkot pa rin ang mga mata. Hindi ko na lang siya pinansin at sumama ng lumabas kay Lukas.

 Nakasakay kami sa kotse ni Lukas palabas ng school. Naging routine na namin ang paghahatid niya sa akin pauwi. Pero maya-maya ay napansin kong hindi naman papunta sa bahay namin ang daang tinatahak ng kotse.

 "Lukas, hindi 'to ang daan papunta sa bahay namin", natatarantang sabi ko.

 "May pupuntahan lang tayo", kalmadong sagot niya sa akin. Hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa mga pangyayari.

 Pinagmasdan ko na lang ang mga dinadaanan namin. Ang daming puno sa daan at hindi ko na alam kung saan eksakto tong lugar na 'to.

 Isang oras pa yata kaming nasa daan bago kami huminto sa isang abandonadong building sa gitna ng gubat.

 Bumaba na si Lukas kung kaya't sumunod na din ako.

"Nasaan tayo?. Anong gagawin natin dito", kinakabahang tanong ko sa kanya. Iba na ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

 "Sorry, Crelle", sabi niya at nakaramdam na lang ako ng mga taong humahawak sa akin sa likod at isang panyong may mabahong amoy ang pinalanghap sa akin. Maya-maya pa ay naramdaman ko ng mawawalan ako ng ulirat at ang huling nakita ko ay ang walang emosyong mukha ni Lukas na nakatingin sa akin.

 Ilang oras ang nakalipas

 "Bitiwan ninyo ko! Ano bang nangyayari dito?", malakas na sigaw ng isang pamilyar na tinig.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon