IMY 24

303 14 2
                                    

Author's Note:

Update!Update!Update!

Enjoy Reading

Thanks

*******

Crelle's POV

Kung kahapon lang ay nagkukulong ako sa kuwarto ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko, sinong mag-aakala na wala pang 24 oras ay nandito na ko't naglalakbay patungo sa huling lugar na gugustuhin kong puntahan.

Mula pagkabata, itinanim na ni Lolo sa isip ko na masasamang tao lang ang napupunta sa Impyerno samantalang ang mabubuti naman ay napupunta sa langit. Kaya't sinubukan ko talagang maging isang mabuting tao. Sa kabila ng lahat ng sinasabi nila na ang mga bakla daw ay didiretso agad sa Impyerno, hindi ako naniniwala don dahil hindi ang kasarian ko ang magdi-depina kung isa akong mabuti o masamang tao. Ako lang, ako lang ang magpapasya kung pipiliin ko bang maging isang mabuti o masamang tao.

Pero tingnan mo nga naman sa huli dito pa rin pala ako patungo, sa lugar na minsan ay kinatakutan ko ngunit lugar kung saan lumaki ang taong pinakamamahal ko.

Sa Impyerno

Halos 7 oras na rin kaming nakaupo sa loob ng isang karwahe kung saan sabi nila ay ang pinakamaingat na daan patungo don. Hindi kasi kami maaaring gumamit ng kapangyarihan sa ngayon dahil madali itong matututon ng kalaban. Para na rin namin sila binigyan ng pagbati sa pagdating namin. At yun ang ayaw naming mangyari kailangang asahan man nila ang pagdating namin pero hindi nila alam kung kailan kami eksaktong darating.

Apat lang kaming nandito sa loob. Ako sa may kaliwang bintana, sa tabi ko si Liriko habang nasa tapat naman namin sila Caden at Trence.Habang nasa labas naman ang mga Heneral ni Liriko.

Kakaiba ang lugar na dinadaanan namin, ni hindi ko mawari kung nasaang parte na kami ng mundo o kung nasa mundo pa ba kami. Kanina ay may mga puno pa kong nakikita pero unti-unti silang nawala hanggang sa nakaramdam ako ng pagbulusok sa lupa at habang patuloy kami sa paglalakbay ay mas umiinit din sa loob ng karwahe

Sa totoo lang may takot pa rin ako sa lahat ng mangyayari. Sino bang hindi? Walang kasiguraduhan ang lahat, walang nakaaalam kung ano ng susunod na mangyayari, puwedeng tumagal kami don ng ilang araw, pero paano kung tumagal kami don ng taon, puwedeng matapos ang lahat sa mapayapang usapan pero paano kung umabot sa digmaan. Ilang buhay ang mawawala, ilang tao ang iiyak, ilang tao ang magdadala sa konsyensya nila ng kamatayan ng iba. Magbabago ang lahat kapag nangyari yun kaya't hanggang maaari ay gusto naming iwasan ito, isang bagay na mahirap daw makuha lalo nat sa kapatid niyang si Kallex

Wala namang nakakasiguro sa mga mangyayari kung kaya't tanging pag-asa na lang ang pinanghahawakan namin.

"Malapit na tayo", bulong sa akin ni Liriko sabay kapit sa kamay ko.

"Gaano pa kalayo? Saka saan nga pala tayo bababa?", medyo nakampante dahil sa paghawak ni Liriko sa kamay ko.

Alam kong anuman ang mangyari ay hindi niya ko pababayaan

"Mga kalahating oras na lang nandoon na tayo. Sa bahay ko tayo didiretso. Pasensya ka na ito na ang pinakamabilis n biyahe na puwede nating gawin"

"Mabilis na talaga 'to, ate ang karaniwang biyahe dito ay 1 linggo 'pag hindi ka dumaan sa mga rutang dinaanan natin, pinakamabilis na rin. Minsan kasi ay may inaabot ng taon", paliwanag ni Caden

"Ayos lang yun at least naitago pa rin ang pagdating natin", sagot ko ng nakangiti kay Liriko at Caden.

Si Trence ay kanina pa tahimik sa isang tabi. Hinahayaan na lang namin siya at alam naman namin ang pinagdadaanan niya.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon