IMY 10

936 22 2
                                    

Natahimik ang buong klase sa nangyari pero mabilis na gumalaw si Prof. Flinch at lumapit kay Liriko.

Parang sinilaban ang mga paa ko sa nakita ko, tinakbo ko agad si Liriko at naunahan ko pa si Prof. Flinch sa paglapit sa kanya. Paglingon ko ay katabi ko na rin si Trence at Crunchy, nasa harapan kaming tatlo habang nasa likod si Liriko.

Patuloy pa rin sa pagtunog ang alarm at yun na lang ang natatanging ingay sa loob ng kuwarto. 

Kinkabahan man ako at nanginginig pero alam kong hindi ako aalis dito, magkamatayan na pero hindi ko iiwan si Liriko. Hindi ko hahayaang mapahamak siya.

"Umalis.Kayo.Diyan", may diin at bigat ang bawat salita na sabi ni Prof. Flinch.

"HINDI", madiing sagot din ni Trence. Kitang-kita sa mga mata niya ang katotohanan ng mga binitawan niyang salita. Nakakuyom din ang kanyang mga kamay at mukhang handang-handa ng manakit ng tao kung may gusto mang manakit kay Liriko.

Mas lalong bumigat ang tensyon sa paligid.

Pero nagulat kaming lahat sa biglaang aksiyon ni Liriko.

Bila siyang TUMAWA na kinagulat naming lahat.

At hinawi niya kaming tatlo at dumiretso kay Prof. Flinch. Hinawakan ko ang kamay niya ay pinisil niya lang ang kamay ko at nagpatuloy ng maglakad

 "Sira 'yung POD mo", nakangiti niyang sabi kay Prof. Flinch pagkalapit niya dito

"Hindi mo 'ko maloloko", madilim ang mukha at galit na sabi niya.

"Hindi kita niloloko, kung gusto mo subukan mo pa", nakangising sabi ni Liriko.

"Sinungaling", sabi niya.

May pagdududa man sa mukha ay unti-unti ngang lumapit si Prof. Flinch sa POD at pagtuntong niya dito.......

KALABAN! KALABAN! KALABAN!

Nagulat ang lahat sa nangyari at maging si Prof. Flinch ay napatunganga sa nangyari.

Patuloy pa rin ito sa pag-iingay kahit na wala ng tao sa POD. Nagbubulungan na rin ang mga estudyante sa mga nangyari.

"Can we go back to our seats now", sabi ni Liriko sabay tingin sa nakatigagal naming Professor.

Siguradong ang sakit nito sa pride niya. 

Nakangisi naman sa gilid sina Trence at Crunchy

"Yes, you can", simpleng sabi niya habang unti-unting binabawi ang composure niya at pinapatahimik ang klase.

"Pero a piece of advice, Mr. Flinch. Before knowing your enemy. KNOW YOUR LIMITATIONS po muna kasi hindi lahat ng tao sa mundong ito kaya mong talunin. Meron at merong taong makakatalo kahit sa pinakamalakas na tao sa mundo", mahina pero mariing sabi ni Liriko sa boses na kami lang lima ang nakakarinig.

Pagkatapos non ay umakyat na kami papunta sa upuan namin at nakinig na sa klase. 

Ilang minuto pa ang nakaraan bago nag-umpisa ang totoong klase. Ipinaliwanag niya lang sa amin nung araw na 'yun kung ano ang mga idi-discuss niya in the following nights. Buong durasyon ng klase nakikita namin ang mga palihim at pasimpleng masamang titig niya kay Liriko. Parang hinihintay niya na may magawang mali si Liriko para maipahiya siya sa klase.

Pagkatapos ng unang klase medyo drain na ang lakas ko. Hindi ko akalain na may mangyayaring ganon at na talagang muntik-muntikan ng mabuking ang nililihim nila Liriko. Sumandal na lang ako sa upuan ko at ipinikit ang mga mata.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon