IMY 21

391 16 3
                                    

A/N:
The mysterious brother of Crelle on the side

Enjoy <3
**************

Crelle's POV

"Gising, bakla!", sabi ng isang malakas na boses kasabay ng pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Hindi ko mapigilang di mapa-ungol sa sakit ng pagtama ng tubig sa mga sugat at pasa ko sa katawan. Kasabay nito ang pagdilat ko ng mga mata at pagtingin sa kanila ng masama.

Napaatras naman sa takot ang pulis na nasa harapan ako, dahilan para mapansin ko ang taong nasa likod niya. Ang walanghiyang Heneral na kausap ko kahapon. Kasama niya sa loob ang mga alipin niyang mga pulis at pinapapalibutan na naman nila ako.

Anong bago...

"Anong kailangan mo, tanda at kailngan mo pa akong ipagising sa mga alipin mo?", wala na kong pakialam kung mas matanda siya sa akin. Lumipad na sa bintana ang paggalang ko sa kanya mula ng dalhin niya 'ko dito at panoorin lang kung paano ako bugbugin ng mga alipin niya.

"Kailan mo ng ilipat ng kulungan. Gusto ka ng makita ng mga 'nasa taas"

"Ah ganon ba? Pero baka nagkakamali ka?"

Kumunot naman ang noo ng Heneral sa sinabi ko.

"Anong sinasabi mo? Hindi ako nagkamali?"

"Ta*ga, wala naman yung 'Boss' mo sa taas. Nasa baba 'yun sinusunog yung mga kagaya mo", nakangising sabi ko sa kanya.

Isang suntok sa panga ang agad na sinagot niya sa akin.

"Ta*an*ado! Sige ilabas na yan", at tuluyan ng lumabas si Heneral Pulpol kasama ang mga alagad niya.

Isa sa kanila ang agad na nagkalas ng kadena ko sa kamay at paa at agaran din nilang tinali ng lubid ang mga kamay ko.

Na para bang kaya ko pang lumaban sa lagay na 'to

Paalis na kami ng kulungan na 'yun nung may narinig kaming pagkakagulo sa labas.

Nataranta agad ang mga ipis sa tabi ko at agad na umatras palayo sa pintuan habang lumabas naman ang isa para alamin ang nangyayari.

At maya-maya pa ay humahangos nang bumalik ang pulis na lumabas habang makikita sa mukha niya ang takot. Sa puntong yun ay wala na rin akong marinig na kahit anong ingay galing sa labas. Isang nakabibinging katahimikan ang pumalit 'don.

"May sumasalakay sa base. Patay na lahat ng mga kasamahan natin, pati mga preso, lahat sila wala na. Si Heneral na lang at tayo ang nati--

Hindi niya natapos ang sinasabi niya ng isang lumilipad na bolang apoy ang bumagsak sa likod niya at mabilis na lang siyang bumagsak sa lupa- tustado

"Oops, mukhang hindi ka na kasama sa mga natitirang buhay", sabi ng isang lalaking dire-diretsong pumasok sa loob ng kulungan at mukhang siyang may gawa ng bolang apoy na kumitil sa buhay ng pulis kanina.

Nagkanda-kumahog naman ang mga natitirang pulis sa pag-atras na halos madapa na sila sa pag-urong. Kahit sa akin ay medyo lumuluwag na ang hawak nila.

"S-sino k-ka?", nanginginig na tanong ng pulis sa gilid ko.

"Ako? Hindi importante kung sino ako, ang importante ay yang taong hawak ninyo", nakangising sabi niya habang unting-unting lumalapit sa amin

Hindi ko siya kilala pero mukhang kilala niya ako.

Humigpit muli ang hawak sa akin ng mga pulis at iniharang ako sa harapan nila

"Itong bang baklang 'to ang gusto mo. Eh kung patayin ko kaya 'to?", sabi ng isang pulis na hinigpitan ang hawak sa akin at tinutok sa ulo ko ang baril na hawak niya.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon