IMY 11

868 25 2
                                    

Sorry for the long wait. Sana po magustuhan ninyo.

Salamat sa pagbabasa <3

************************************************************************************************************

Dumaan ang isang linggo na mainit ang mga mata sa amin ng mga Professor dahil sa nangyari nung second day namin. Ilang beses ding sinubukan ni Professor Flinch na ipahiya si Liriko sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanya ng pinakamahihirap na mga tanong. Pero as expected of Liriko kahit 'yung mga out of the coverage na ng lessons and books na questions nasasagot niya agad. 

Kaya mas lalo lang naasar sa kanya si Professor Flinch. Ganon lang ang nangyari buong week sa pagitan nilang dalawa habang si Miss. Anichka naman ay paikli ng paikli ang damit at pa-lambing ng palambing ang boses kapag nagsasalita.

Hindi pa rin nagpapansinan sina Raven at Trence kaya naman lagi na lang tahimik si Trence nitong nakaraan at mukhang laging may malalim na iniisip. 

Kaya naman para gumaan ang tensyon sa pagitan ng lahat, pinakiusapan ko silang pumunta naman kaming lahat sa Mall. Nung una ay ayaw sumama ni Raven lalo na't alam niyang kasama si Trence pero ginamit ko lahat ng convincing powers ko at samahan na rin ng konting drama, sa huli napapayag ko rin siya.

At ngayon nandito na kaming apat, hinihintay ang pagdating ng Prinsesa namin. Nasa tabi ko si Liriko, na kanina pa sentro ng atensyon at pagpapa-cute ng mga tao dito. Nasa kaliwa naman ni Liriko si Crunchy na patingin tingin lang sa paligid pero agaw atensyon pa rin ang kaguwapuhan niya. Nasa kanan ko naman si Trence na tahimik lang at mukhang malalim na naman ang iniisip.

Ako naman eto at mukhang alalay ng tatlong guwapong lalaking nakapaligid sa akin. Ang sama-sama din ng tingin sa akin ng mga tao. 

Maya-maya pa ay nakita kong parating na si Raven complete with shades and bonnet para siyempre hindi naman siya pagkaguluhan dito lalo na't public place ito. Medyo nakasimangot din siya.

"Sorry, late ako", nakangiting sabi niya sa akin. Nginitian niya din sina Liriko at Crunchy pero parang hindi niya nakita si Trence at ni hindi man lang niya tiningnan. 

"Sige, tara na", sabi ko pagkatapos kong maramdaman ang mabigat na tensyon na bumabalot na sa amin.

Tahimik lang kaming lahat naglalakad sa Mall. Walang gustong magsalita, nasa tabi ko si Raven habang nasa likod lang si Trence at nakatingin sa kanya. 

Si Liriko naman sa tabi ko ay nakangiti lang at hinahawakan ang kamay ko. Masaya naman ako kahit na puno ng tensyon ang paligid. Nag-window shopping lang kami at paminsan-minsan ay bumibili din kami ng mga gamit.

Katulad nito nandito kami sa harap ng isang teddy bear shop at nakatingin ako sa pinakamalaking white teddy bear sa shop ng makita kong nakatingin si Liriko sa akin. 

Ang cute cute naman nito -sabi ko sa isip ko habang nakatingin pa rin doon.

Tumitingin tingin din sina Crunchy, Raven at Trence sa paligid ng shop at nakita ko naman na kinakausap ni Liriko 'yung attendant ng shop. 

Maya-maya pa ay lumapit ang attendant na 'yun sa estante ng Giant white teddy bear at kinuha niya ito. Nakita ko rin na iniabot niya ito kay Liriko na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Lumapit naman si Liriko sa akin at iniabot sa akin ang teddy bear.

"Unang regalo ko sa taong pinakamamahal ko", sabi niya sa akin habang ibinibigay sa akin ang teddy bear. Nayakap ko na lang siya sa tuwa. 

Ang sweet sweet talaga ng Liriko ko.

Awkward man ang katahimikan sa grupo namin, nagpatuloy pa rin kami sa paglilibot. 

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon