IMY 7

1.1K 37 8
                                    

A/N: Trence on the side 

************************************************************************************************************

Nasa loob na ako ng opisina ng Presidente ng Black Heart University at hinihintay na lang ang pagdating niya galing sa isang biglaang meeting.

Iniwanan muna ako dito ng sekretarya ng Presidente dahil may kailangan pa daw siyang tapusing papeles sa labas.

Habang naghihintay, inilibot ko muna ang paningin ko sa opisina. Maganda siya at malaki, tamang tama lang sa isang taong may mataas na posisyon sa isang malaking Unibersidad. May mga paintings din sa paligid at wala ring masyadong gamit bukod sa isang sofa sa gilid, lamesa at upuan sa gitna ng kuwarto. May vase din ng bulaklak sa gilid at bukas ang mga bintana para makapasok ang liwanag ng araw.

Mrs. Esmeralda Rodriguez yun ang nakalagay na pangalan sa lamesa niya. The name is fit for a woman of her stature and elegance. Pero ano nga kaya ang kailangan ng ganitong klaseng babae sa akin.

Hindi kaya ALAM NA NILA ANG TUNAY NA KATAUHAN NILA LIRIKO

at kaya nila ako pinatawag dito ay dahil gusto nilang parusahan ako sa ginawa kong pagtulong sa mga Demonyong katulad nila Liriko. Bigla akong kinabahan sa naisip ko.

Anu't anuman hindi ko pinagsisihan na ginising ko si Liriko, na siyang dahilan ng paglaya nila Trence mula sa kuweba. Yun ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na alam kong kahit anong mangyari ay paninindigan ko. Pero hindi ako dapat mag-isip ng masama ,nung makalawa lang nangyari yun  masyado naman atang mabilis para malaman nila ang tungkol doon. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Paano kung--

Hindi ko na natuloy ang anumang iniisip ko dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Tumayo ako bilang paggalang at hinintay ang taong parating. Pumasok mula doon ang isang eleganteng babae na nakasuot ng red classy blouse at isang sopistikadang palda. She look formidable and without a doubt, I immediately perceive who she is, none other than MRS. ESMERALDA RODRIGUEZ.

"Well, Good Afternoon Mr. Crelle Strain", seryosong sabi niya na hindi ko alam kung bakit nagdulot sa akin ng kaba.

"Good Afternoon din po, Maam", kinakabahan man ay compose na sabi ko.

"You may take a seat", sabi niya sabay muwestra ng upuan sa tapat ng lamesa kung saan siya umupo.

"Thanks, Maam", sabi ko at umupo.

"Alam ko nagatataka ka kung bakit kita pinatawag dito", panimula niya.

"Ah o-opo", mas lalong tumindi ang kabang sabi ko.

"Alam mo mula pa nung pumasok ka sa eskwelahang ito, may mga tao ng nagbabantay sa mga kilos mo", sabi niya sa akin

"Ha!, A-ano pong ibig niyong sabihin", gulat at di makapaniwalang sabi ko.

"Alam mo ba alam kung bakit ka natanggap sa eskwelahang ito", hindi pinansin ang tanong ko na balik tanong niya.

"Dahil po naipasa ko yung entrance exam?", naguguluhang sabi ko.

"Alam kong na-perfect mo ang entrance exam ng school pero kasehadong ano man ang maging score mo dun tatanggapin ka pa rin dito", sagot niya sa akin

"Ano po ba talagang ibig ninyong sabihin", matigas ang boses na sabi ko at ang pumalit sa kaba ko kanina ay takot at pagkainsulto. Takot sa kung anumang bagay na sasabihin niya at pagkainsulto dahil pinaghirapan kong maipasa ang entrance exam na yon at parang sinasabi niya ngayon na wala palang kwenta yun.

The Devil Is My Ex Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon