Kabanata 1

5K 186 14
                                    

Few months ago,
Leyte.


Alternative rock na tugtugin, maingay na paligid, amoy sigarilyo ang bawat sulok, at ilaw na patay-sindi. Pakiramdam ni Maria isa siyang diyosa na kayang gawin at kontrolin ang lahat habang umiindayog at minsan pa’y nakiki-headbang sa musika na pumapailanlang sa buong lugar.

She was a good dancer. She owned the stage once she started her rhythm. Ito ang dahilan kung bakit marami ang humahanga at nanonood sa kaniyang bawat galaw nang gabing iyon. Bukod pa sa katotohanang nakaaakit ang kaniyang ganda at alindog sa suot na halter top at leather skirt na pinaresan ng itim na boots na hanggang tuhod ang haba.

She looked wild on her dark make-up, matched with her big earrings and huge bangles. Itim din ang kaniyang gamit na lipstick na ibinagay niya sa kulay ng kuko. While her hair was purposely curled to highten her messy look. Sino ang mag-aakala na ang isang katulad niya, na may kakaibang fashion, ay anak ng isang gobernador sa lugar nila?

None!

Hindi naman kasi siya ganito mag-ayos kapag ordinaryong araw. Sa mata ng iba, isa siyang anghel na 'di makabasag-pinggan. Kabaligtaran naman noon ang tingin ng ama sa kaniya. Alam kasi nito ang lahat ng kalokohan niya. At para mabantayan siya, hindi lang isa, kundi sampung bodyguard ang kinuha nito. Mautak nga lamang siya dahil nalulusutan niya ang mga ito nang walang kahirap-hirap.

Napangisi siya nang maalala kung paano nalusutan ang mga bantay habang iginigiling ang katawan sa kasayaw na lalaking mukha pa lang ay alam nang fuckboy. Tila nagustuhan naman nito ang kaniyang ginawa. Mas lalong ikiniskis nito ang katawan sa kaniya, sapat para maramdaman niya ang umbok nito sa kaniyang likuran. She knew exactly what he want. He wanted her. Kanina pa ito bumubulong at nag-aaya.

"Hey, Mary, Alex is back. Nagkita na ba kayo ulit?" Si Mia, isa sa kaibigan niya mula pa hayskul. Anak ng isang Mayor sa probinsiya nila. Sumasayaw rin ito na katulad niya. "In fairness, nag-improve sa performance ang ex mo." Sinabayan nito ng tawa ang huling sinabi.

"Who the hell is he? Are you talking about some alien?" sagot niya, medyo pasigaw dahil sa ingay ng lugar.

Ngumisi si Mia. Alam niya ang klase ng ngiti nitong iyon. She's up to no good. "He's the basketball player, bitch! The one you dumped after he won a game for you."

An image popped up her head. Bigla niyang naalala ang lalaki. It was Alex Montealegre, the varsity player.

"Ah, si daks." Daks ang tawag niya sa lalaki dahil tunay na may maipagmamalaki ito. "So, you had sex with him." Naalala niyang minsan ay naging FuBu rin nito ang kaibigan. Alam na niya ang bagay na iyon nang magkarelasyon pa lamang sila ng lalaki. Pero dahil hindi naman talaga niya ito gusto, friendship over fake relationship ang peg niya.

Natawa si Mia.

Confirmed.

"Whore." Inikutan niya ito ng mga mata. Mas lalo namang naging mapang-akit ang galaw nito. Sanay na sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Another toy?" she asked.

"Another flavor of the month." Nilapitan siya ng kaibigan at hinalikan sa labi. Normal na iyon sa kanila. Something they called special gesture. "The guy is obviously hitting on you. Come on, have some fun. Sex is the best, you know," bulong nito. Ang tinutukoy ay ang lalaki na nasa kaniyang likuran.

”Except for me."

"Kill joy." Inikutan din siya nito ng mga mata. Nag-walk out.

Tinanaw na lamang ni Maria ang papalayong kaibigan. Naiiling. Kakaiba talaga ito. Wild but kind. Sa likod ng makapal nitong make-up at kakaibang fashion ay mahilig naman ito sa charity works. Active rin sa mga aktibidad ng simbahan—kasama siya. Devil Angel nga kung tawagin nila ang sarili. At ang kanilang motto, Don't judge the book by it's cover. Isa sa dahilan kung bakit hindi kaagad siya naniniwala sa mga bait-baitan at santa-santahan.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon