Kabanata 14

2.1K 98 13
                                    

Nakasimangot na naglakad si Maria pabalik sa isang grupo ng mga volunteer na namimigay ng plastic bag na may lamang pagkain para sa mga mamamayan ng pook. Agad siyang naupo sa monoblock na silya at ipinatong ang isang paa roon. Wala sa sarili na naitapon niya rin ang hawak na towel, humalo iyon sa mga plastic.

"You seemed upset. Kanina ko pa napapansin. Are you alright?" Ang kaibigan niyang si Brad ang nagsalita.

Binalingan niya ito ng tingin. Abala ito sa pag-aabot ng mga plastic. She sighed and said, "Iniinis kasi ako ng isang kabute. Damn! Ang kulit niya, grabe!" frustrated na aniya.

Natawa si Brad. "Baka ginu-goodtime ka lang. Pikunin ka kasi. Tssk!"

She glared at him. "Kaibigan ba talaga kita? Where's your loyalty, bro?"

"Siyempre, sa 'yo." Inabutan siya ni Brad ng chewing gum. Ngumuya rin muna ito bago nagsalita, "I'm just trying to lighten up your mood, Mary. Saka, ang alam ko, kinakain ang kabute. Nang-iinis na pala iyon ngayon?"

"Lame! You're not funny at all" Itinapon niya dito ang balat ng chewing gum.

Maria rolled her eyes at Brad. Kung hindi lang ito nag-effort sa pagpunta at pagtulong sa outreach program na inorganisa nila ng kaibigang si Mia, baka nabatukan na niya ito. Halata naman kasi na iniinis din siya ng lalaki. Pero dahil sa kinansela nitong vacation para samahan sila ni Mia, palalampasin na lamang muna niya ang pambubuska nito sa kaniya.

"You're upset while Mia look sad. Ako na lang talaga ang matino sa ating tatlo," nakangising wika ni Brad, halata sa boses ang pagmamalaki nito sa sarili. "Guwapo na, matulungin pa. Saan ka pa 'di ba? I'm a total package. Pati bulag nga napapansin ako, pero ikaw—" Natigil ito sa pagsasalita nang abutan niya ng plastic para ibigay sa naghihintay na mamamayan ng pook na kanina pa nakapila.

"Stop your nonsense, Brad. Alam kong lalaki ang hanap mo. Bottom ka ba o top?" She abruptly changed the topic.

Ayaw isipin ni Maria ang sinabi ni Brad. Totoong guwapo naman talaga ang kaibigan niya at malakas ang karisma. Tall, dark, and oozingly handsome. Bubbly ito at mabait. Successful sa lahat ng bagay. A perfect boyfriend material. Hindi maikaiilang marami ng babae ang nagtangka na kunin ang atensiyon ng lalaki. Kaya nga lang, matagal na rin itong nagpapahaging sa kaniya. She could sense it. Ang problema, bukod sa hindi niya ito gustong maging jowa, may friendship code na mas mahalaga pa kaysa sa interes niya. Walang talo-talo, 'ika nga nga ng kaniyang book of logic.

Isa sa rason kung bakit naiinis siya kay Icarus lalo na sa sarili. Hindi niya matanggap na nagustuhan niya ang paghalik ng binata sa kaniya kanina. Worst, she responded to his kisses. Hindi niya matanggap na kinalimutan niya ang kaibigang si Mia. Her selfishness was keeping her insane. Nakokonsensiya siya sa nagawa.

"I need a breather after this." Bumalik na ulit siya sa pagtulong.

"You mean, vacation?"

Vacation? Magagawa niya ba iyon sa dami ng kailangan niyang gawin?

Umiling siya. Handa ng magsalita nang may tumapik sa kaniyang braso. She smiled before turning her head, but frowned after when she saw who was behind her. It was Icarus with his annoying grin. Gusto niya tuloy itong sikmuraan, o kaya bugbugin. Tutal, matagal na rin nang huli siyang maging active sa physical combat. He would be perfect as her target.

'Get a hold of yourself, fool!'  pagkastigo niya sa sarili.

"Bakit?" Pinipilit niyang maging mahinahon.

"Galit ka ba?" Seryoso ang boses ni Icarus.

'Aba't nagtanong pa ang loko!'

"Hindi. Paano mo naman nasabi?" sagot niya.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon