Kabanata 25

1.7K 122 20
                                    

Halos isang oras nang naghihintay si Icarus sa labas ng mansion ng mga De Luna. Hindi na siya nangahas na pumasok sa loob at hinintay na lamang na pagbuksan siya ng gate ng mga tauhan o ni Maria. Ayaw na rin kasi niyang isipin ng pamilya nito o ng sinuman na wala siyang respeto lalo pa't gabi na rin.

Naiinip man, hinintay niyang pagbuksan siya. Nilalamok na rin dahil mas gusto niyang maghintay siya sa labas ng dala niyang kotse. Pagod na rin siya dahil kagagaling pa niya ng Maynila. Pinilit niya lamang ang sarili dahil hindi siya matatahimik kung hindi makita ang nobya.

"Come on. I badly wanted to see you," bulong niya habang nakatingin sa cell phone na hawak.

Kanina pa niya tinatawagan ang numero ni Maria ngunit nakapatay ito. Umaasa siyang magbubukas iyon kaya kahit ilang beses nang palaging ang operator ang sumasagot sa tawag niya, hindi siya tumigil. Ilang beses na rin siyang nag-doorbell at wala pa ring nagbubukas.

Nagtataka siya, ngunit mas pinili niyang maghintay.

"I guess it's my unlucky day," pagkausap niya muli sa sarili.

Napabuntonghininga si Icarus. Nag-isip saglit bago napagdesisyunan na umuwi na lang. Marahil ay tulog na ang lahat.

Saktong tumalikod siya para buksan ang pinto ng kotse nang bumukas din ang gate ng mansion. Mabilis siyang pumihit pabalik nang may ngiti sa labi. Nakita niya ang isang katiwala, halatang kagigising lang nito dahil pupungas-pungas pa nang harapin siya.

"Sir Icarus?" tanong kaagad nito sa kaniya.

"Magandang gabi po," bati niya.

"Magandang gabi rin po. Ano po ang kailangan niyo, Sir?" Nakakunot ang noo ng katiwala. Nagtataka kung bakit siya naroon.

Lumapit si Icarus dito.

"Ah, nand'yan po ba si Maria?"

"Naku! Si ma'am po ba?" Halatang nagulat ito sa kaniyang tanong. Bigla ring lumikot ang mga mata.

"Is she here?" pang-uudyok niya.

"Ah. . ."

"Tell me!" Icarus lost his composure. He could sense something wasn't right.

"Ah, kasi po. . ."

Nagdadalawang-isip ito.

Ano ba ang nangyayari?

"Please, sabihin niyo naman po sa akin." Malumanay ang kaniyang boses. Naisip niyang walang katuturan kung magagalit siya rito. Siya ang may kailangan. Siya dapat ang magpakumbaba.

Napakamot ito sa ulo.  

"Kasi po. . . Umuwi po ng Leyte si ma'am kasama ng mga kapatid niya at si Sir—"

"What?!" Malakas niyang sigaw. Halatang nagulat din ang katiwala.

"Opo. Kahapon pa sila umalis."

"Damn!"

Hindi alam ni Icarus ang gagawin. Naghalo-halo ang kaniyang nadarama. Napatanga siya at nawalan ng sasabihin.  Hanggang sa umalis ang katiwala ay wala nang salitang namutawi sa kaniyang bibig. Nablangko siya bigla. Maraming tanong ang umukilkil sa kaniyang isip. 

Ano ang nangyari?

Bakit bigla na lang umalis si Maria nang hindi siya kinakausap?

Frustrated na pinaharurot niya ang dalang sasakyan patungo sa Hacienda Vergara. Naguguluhan siya. Mas lalong dumoble ang pagod na kaniyang nadarama. Ngunit mas kailangan niyang malaman kung saan sa Leyte eksaktong nakatira si Maria; dahil hinding-hindi siya papayag na hindi ito makausap at makita kahit pa ibig sabihin niyon ay hindi siya matutulog buong gabi.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon