Kabanata 22

2.1K 107 12
                                    

It was not chaotic nor peaceful lunch with Maria's family for Icarus. It was awkward yet fun. Masayang kausap ang mga kapatid ng dalaga at kuwela habang puno ng diplomasya naman ang bawat sinasabi ng ama nito. Though they welcomed him with an unexpected greeting, he could understand their actions. Maging siya ay ganoon din ang gagawin kung makita niyang may kasamang lalaki ang kambal na si Athena sa kuwarto.

"Masakit pa ba?" It was Maria, attending his wounds. Nauna na nitong ginamot ang pasa niya sa ilalim ng mata at ngayon nama'y pinapahiran nito ng betadine ang gilid ng kaniyang labi gamit ang cotton. 

Magkaharap silang dalawa habang nakaupo sa veranda ng mansion ng mga De Luna, tanaw ang malawak na bakuran na may malaking swimming pool sa gitna.  Pagkatapos nilang kumain; na siya ang nagluto, dinala siya ni Maria roon para gamutin ang kaniyang mga sugat. Hindi na nakialam ang ama nito o umangal ang mga kapatid. Marahil nauunawaan ng mga ito na hindi rin magpapapigil ang dalaga sa gusto nitong gawin. Spoiled ito, isang bagay na hindi nito makita sa ngayon. 

"Yeah, parang kagat lang ng dinosaur," sagot niya nang may nakalolokong tinig.

Idiniin ni Maria ang cotton kaya napaigik siya. Nang tingnan niya ito, masamang tingin ang ipinukol nito sa kaniya.

Bakit ba ang bilis nitong mainis?

Napakamainitin talaga ng ulo nito.

"Umayos ka nga." Tinampal siya nito sa balikat. "Gusto mo, ipabugbog kita ulit," pananakot nito.

Icarus pouted his lips and said, "Joke lang. 'Di ka naman mabiro. Ang sakit kaya."

Pinandilatan siya ng mga mata ni Maria. "Joke? Well, it's not funny. You don't have any idea how I felt back then. I almost got a heart attack. Fuck you!"

Icarus smiled mischievously. "You really cared for me, huh. You and your bad mouth. Damn, sexy."

"Tigilan mo ako. Hindi pa rin nakatutuwa." Ipinagpatuloy nito ang paggamot sa kaniyang sugat.

Icarus looked at Maria intently. His eyes were beaming. He was delighted. Never in his life he thought of having deep feelings to a woman. Now that he had found someone, he still couldn't believe it. Naalala pa niya ang sinabi na pakakasalan ang dalaga. The words came out in his mouth so easily. Walang pagsisisi sa kaniyang puso. In fact, he was looking forward to it.

Sumeryoso siya nang magsalita muli. "Are you accepting my proposal?"

Kumunot ang noo ni Maria. Tumigil na rin ito sa ginagawa matapos malagyan ng band aid ang iilang pasa.

"What proposal?" tanong nito.

"About marriage." He sounded serious as hell.

Naubo ang dalaga. Dinaluhan niya ito.

"Are you okay?" tanong niya habang hinihimas ang likod nito.

"Y-yes. Nakagugulat ka naman. Ano nga ulit?"

Icarus raised a brow. Alam niyang narinig ng dalaga ang kaniyang sinabi pero nagmamaang-maangan pa ito. Minsan slow ito sa mga bagay pero hindi naman ito bingi. Damn, Maria and her antics. She's driving him nuts.

Umiling siya. Maybe, it isn't the right time to ask her.

"Forget about it. You're not ready I guess—"

"Ikaw naman kasi, kasal na kaagad sinasabi mo. Eh, mas blurry pa relasyon natin kaysa sa mata na may mataas na grado. Tell me, jojowain mo ba ako o totropahin lang?" agaw nito sa kaniyang sasabihin.

Icarus forehead furrowed. So, hindi pa nito talaga alam ang totoong intensiyon niya? O, alam nito ngunit hindi rin sigurado? Is she afraid that he might add her to his long list of women? Ganoon ba ang tingin nito sa ginagawa niya para dito? Fuck! Mababaliw na siya sa kaiisip.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon