Kabanata 9

2.4K 130 11
                                    

Hawak ang panga habang naiiling na nakaupo si Icarus sa kaniyang swivel chair sa loob ng maliit nitong opisina. May ngisi sa labi ng binata habang tutok ang mata sa nakapinid na pinto. May hinihintay.

Sa isip ni Icarus hindi na nito kailangan pang magbilang dahil sigurado naman itong darating ang panauhin na kaniyang inaasahan. Gayunpaman, dahil walang magawa, nagbilang pa rin ito na halos sabay sa bawat pagpitik ng kaliwang hintuturo nito sa mesang nasa harapan.

Ninety-seven

Ninety-eight

Ninety.....

Bumukas ang pinto na gawa sa Narra. Unang iniluwa niyon ang kakambal na si Athena, kasunod ang babaeng kanina niya pa hinihintay, si Maria. Nakasimangot ang babae at masama ang tingin nito nang tingnan siya. Gusto niya tuloy asarin ito, ngunit pinigilan niya ang sarili dahil na rin sa napagkasunduan nila nang nakaraan. 

"So! Okay na ba ang lahat?" tanong niya, kay Athena ang tingin.

"Pumayag na si Miss De Luna—"

"Good." Hindi na niya pinatapos ang kapatid. Si Maria ang sunod na binalingan niya ng tingin. "So, ayos na tayo? Ayaw ko pa naman sa reklamador at hindi marunong tumupad sa usapan."

"Aba't!" angal ni Maria.

He cut her off, "Oh, see, galit ka na agad."

Malakas na napabuntonghininga ang babae. Nagdiriwang ang isip ni Icarus sa nakitang frustration sa mukha nito. Gusto niyang matawa, pero pinigilan niya ang sarili at kinailangan pang kurutin niya ang hita nang palihim dahil baka tuluyan siyang bumunghalit ng tawa dahil sa tuwa.

Hindi naman kasi niya dapat gagawing sekretarya ang babae. Pero dahil sa ugali nitong palaban at pagtawag nitong kabute sa kaniya, naisip niyang parusahan ito. Bakit hindi? No one dared to mess with him; lalo na ang isang babae. Dominante siya at matigas din ang ulo. Isa pa, pareho lang silang may kasalanan sa nangyari sa kani- kanilang hacienda ngunit para bang ayaw aminin iyon ng babae. Marapat lang na bigyan niya ito ng leksiyon sa kung paano siya nito pakitunguhan at sa pagmamatigas nito. Kung hanggang kailan, iyon ang hindi niya alam. Play while you can, 'ika nga ng iba.

LUMIPAS ang ilang sandali. Nakaalis na si Athena sa opisina, nagpaalam itong pupunta ng bayan. Tanging sina Icarus at Maria na lamang ang nasa loob ng lugar. Ang kanina'y maliit na espasyo ay mas lalo pang sumikip dahil sa dalawang presensiya na magkaharap habang titig na titig sa isa't isa. Nagpakikiramdaman. Walang gustong magsalita. Nakatayo si Maria habang nakaupo pa rin si Icarus.

"What?" sabay nilang wika, tila ba parehong nagbalik sa katinuan.

Naunang nagbaba si Icarus ng tingin. Napailing. Ano ba ang pumasok sa isip niya at bigla na lang ay ayaw niyang bumitaw ng titig sa babae? What was those weird feelings that suddenly exist when he looked straight at her eyes? Damn! Nababaliw na ba siya?

He cleared his throat, gaining his almost lost composure. "Puwede ka nang magsimula. You can have that couch over there." Tinuro niya ang isang kulay abong upuan.

Nabaling doon ang tingin ni Maria. Nanlaki bigla ang mga mata nito. Kunot ang noong muling tinitigan ang binata. Nagpipigil na mainis. "Pinagloloko mo ba ako? You want me to work in there?"

"Ayaw mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Icarus.

"No! Hindi. Ayaw ko!" mariin ang pagtanggi ng dalaga.

"Bakit hindi? May upuan. May lamesa. Kompleto sa lahat."

"Hindi pa rin." Totoong kompleto naman talaga ang sinabi nitong puwesto. Pero dahil siya si Maria, aayaw pa rin siya roon. "Basta, ayaw ko. Period."

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon