Kabanata 28

2K 115 26
                                    

"Why did she leave me, dad? Bakit ayaw niya akong maging anak?" Iyon kaagad ang mga tanong ni Maria sa ama nang puntahan niya ito sa private office nito sa kanilang mansion. Kararating lamang nila ni Icarus doon. Ngunit dahil marami siyang gustong malaman, at mga tanong, ay hindi na siya nagsayang pa ng sandali.

Tumaas ang tingin ni Governor Arturo kay Maria mula sa binabasa nitong mga papeles. Napakunot ang noo nito, ngunit halata ang pag-aalala sa mga mata. Unang beses sa tanang buhay nito na makita ang anak na mugto ang mga mata. Mukha itong basang sisiw.

Agad itong napatingin kay Icarus na nakaalalay sa anak.

"What happened?" tanong nito.

Hindi alam ni Icarus ang isasagot. Hindi rin nito alam kung nasa lugar ba ito para magsalita.

"Answer me, dad! Tinakot mo ba siya? Ano?!" Tumaas ang boses ni Maria. Mas lalo pa itong lumapit sa mesa ng ama.

Nanlaki ang mga mata ng gobernador. Napatayo ito. "What are you talking about, Maria Corazon?" anang gobernador. Bakas sa boses nito ang disgusto sa inaasal ng anak.

"I s-saw her. Nakita ko s-siya, dad." Muling tumulo ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni Maria. She burst into tears while staring at her father and waiting for his response.

Masakit ang puso niya. But she had to endure if she wants to know the truth. Gusto rin niyang malaman ang lahat. Kung bakit ba ganoon na lamang ang pagtanggi ng totoo niyang ina sa kaniya bilang anak.

"Sino?"

"My m-mother. Y-yung totoo k-kong nanay, dad! I saw her. Sabi ko. . . sabi ko, anak niya a-ako." nauutal na paliwanag ni Maria.

Hindi nakakilos ang gobernador sa kinatatayuan dahil sa gulat sa narinig. Ngunit, nagawa pa rin nitong maikuyom ang mga kamao. Naglalaban ang isip at puso nito. Ngunit lamang ang damdamin ng awa at lungkot para sa anak na nakatayo sa harapan nito't umiyak.

Ang bawat yugyog ng balikat nito ay tila punyal na sumasaksak sa kaniyang puso. Ang tunog ng pagtangis nito'y tila kadenang unti-unti humihigpit sa kaniyang dibdib, dahilan para mahirapan siyang huminga. Her eyes were full of agony. Parang lason na umuusig sa kaniyang konsensiya't buong pagkatao.

"Ano, dad! Tinakot mo ba siya para layuan ako? Answer me, please. For once, I need to know," muling wika ni Maria na siyang gumising sa blangkong isip ng ama.

"She's not your mother, Maria Corazon." Bagsak ang balikat ng gobernador nang sabihin. Malakas itong napabuntonghininga. Ayaw na sana nitong balikan ang mga alaala ngunit sadyang tadhana na mismo ang may gusto na mangyari ang mga bagay kahit pa ano'ng iwas ang kaniyang gawin.

Nakita niyang pumasok sa opisina ang asawa. Nag-aalala ang tingin nito. Bumukas din ang bibig para magsalita ngunit umiling siya. Ayaw na niyang bigyan ito ng mga alalahanin. Isa pa, kasalanan niya kung bakit humantong sa pagiging matigas ang ulo ni Maria.

Nakauuna itong tumango. Naghihintay sa sasabihin niya.

Nagsalita ang gobernador, "She's not your mother."

"You're lying!" wika ni Maria, mas kumalma na ito kahit bakas pa rin ang pait ng nadarama.

"Hear me out, dammit! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" Tumaas din ang boses ng gobernador.

"Dahil hindi kayo nagsasabi sa akin ng totoo! Y-you made me live clueless my whole life, dad. Kapag tinatanong ko kayo kung sino ang totoo kong mommy, hindi kayo sumasagot. Iniiwasan niyo. Masisisi niyo ba ako?" puno nang hinanakit na saad ni Maria.

Nagpakawala ng malalim na paghinga ang gobernador. He's guilty. Tiningnan niya ang asawa. Maging ito ay napahawak din sa bibig para pigilan ang sarili sa pag-iyak. Nahihirapan din ito na katulad niya.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon