Kabanata 36

1.8K 106 11
                                    

"Stop drinking, Icarus. It isn't good for you."

Icarus' eyes shifted directly to Athena when she took his brandy out in front of him. Nasa bar counter siya ng kanilang mansion. Nakaupo sa stool at nilulunod ang sarili sa alak. Para kahit papaano, sa pamamagitan niyon, maibsan ang pait na umuukupa sa kaniyang puso.

"Who cares of what's good for me or not? Wala nang silbi ang buhay ko!" sagot niya habang sinusubukan na kunin ang alak sa kamay ng kakambal.

Umiling si Athena. Naaawa itong tiningnan siya. "You should fix yourself and stop being a baby. Walang magagawa ang paglalasing mo sa problema mo," anito.

"Fuck it!" Napayuko siya. Nanghihinayang. "Am I a bad person?" tanong niya sa kakambal.

"No. It's just that. . . you have to taste your own medicine the hard way, brother." Tinabihan siya ni Athena at tinapik sa balikat. "I could see how sorry you are for what happened. Tama na ang pagmumukmok. It's unlike you."

Napabuntonghininga si Icarus. Akala niya ay lasing na siya ngunit hindi pa rin pala. Ang bawat kataga na sinabi ni Athena ay nagdulot pa rin ng sakit sa kaniyang puso-hindi naman kasi talaga ito nawala. Nadagdagan pa nga. Iyon ang dahilan kung bakit siya naglalasing. Para maging manhid sa sakit at makalimot kahit sandali.

"I deserved everything," he said regretfully. Basag ang kaniyang boses. "Damn! I hate myself so much!"

Hinayaan ni Icarus na tumulo ang kaniyang mga luha. Mahina siya, iyon ang totoo. Kahit gaano man siya magpanggap, paulit-ulit siyang nasasaktan dahil sa nangyari sa pagitan niya at ni Maria, maging sa pamilya nito. Though he agreed with it, it still pained him. It broke him into pieces. At hindi niya alam kung kaya pa bang gamutin ang sugat niya sa puso.

"Hindi mo naman ginusto ang nangyari. Please, stop blaming yourself, brother. I'm afraid that you'll end up losing yourself too. How about your child? Don't you think you have to keep your sane to take them back?"

"W-wala na akong mukhang maihaharap sa k-kaniya. I hurt her. I betrayed her. Kasalanan ko kung bakit siya naghihirap ngayon."

"Damn you! You're hopeless. Ang tigas ng ulo mo!" galit na wika ni Athena. "Dad, bugbugin niyo nga 'to nang tumino. Kulang pa yata ito sa bugbog." Nilingon nito ang ama na kanina pa nakikinig sa dalawa. Katabi rin nito ang kanilang ina.

"Icarus, we're very sorry for what happened to you, but you can't stay like this. You have to think better things to do. Go and take Maria back if that's what you want. Man up, son. Gusto mo ba talagang mawala na lang siya sa 'yo?" wika ni Zeus nang makalapit sa anak. Kumuha ito ng baso sa cupboard at nagsalin din ng alak. Sinalinan din nito ang baso ni Icarus.

Tinapik ni Sofia si Icarus sa likod. Nagwika, "Anak, malalampasan mo rin ito. You're smart and strong. You love her, don't you? Then fight for her! Huwag ganito, anak. walang magagawa ang alak sa problema mo."

Nagtaas ng tingin si Icarus. Pinunasan nito ang luha sa mga mata. Tiningnan niya rin ang ama't ina. By looking at their eyes that were on him, he knew they felt bad about his situation. Sinisi rin ng kaniyang mga magulang ang isa't isa. Huli na kasi nang malaman nila ang totoong sitwasyon ni Veronica-may sakit ito sa isip. Naging kampante silang iwanan itong mag-isa. Naging maawain at maluwag dito dahil sa kalagayan nito. Kaya nagulat din ang kaniyang mga magulang nang dahil sa ginawa nito kay Maria at lalo na sa bata na nasa sinapupunan nito.

Hanggang ngayon ay nagliliyab pa rin siya sa galit kapag naaalala kung ano ang ginawa ng babae. She ruined everything. Dahil dito, nasira ang sana'y masaya niyang pamilya kasama si Maria. Dahil din dito, nagalit ang mga De Luna sa kaniya dahil sa nangyari at sinabing ilalayo si Maria mula sa kaniya. Tinanggalan siya ng karapatan bilang asawa nito. Nawala ang tiwala ng mga ito sa kaniya.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon