Kabanata 8

2.7K 120 35
                                    

Hindi maikaiila ang inis sa mukha ni Maria habang nakatanaw sa labas ng sinasakyang kotse. Kung siya ang masusunod, kanina niya pa binatukan ang katabing driver ng sasakyan. Too bad, she could not do it anymore. Kung bakit naman kasi sumang-ayon siya sa world peace na pakulo ni Athena ay hindi niya alam. Maybe, she thought that it was the best choice for the meantime.

"Wala na bang ibibilis 'yang pagmamaneho mo?" Hindi nakatiis si Maria at tinanong na nito si Icarus dahil sa bagal ng pagpapatakbo nito. Magkasama ang dalawa dahil sa pamimilit pa rin ni Athena.

Masamang tingin ang isinagot ni Icarus dito. Hindi nagsalita ang lalaki. Sinasadya talaga nitong badtrip-in siya.

"Ano, pipi ka na ngayon? Kanila lang daig mo pa babae kung makaputak—"

"What?" Nagpreno si Icarus. Hindi inaasahan ni Maria iyon kaya napasubsob ito sa dashboard ng kotse.

"Tang*na, papatayin mo ba ako?" sigaw nito kay Icarus. "Ouch! Ang sakit." Sapo nito ang noo nang tiningnan ang lalaki.

"Sorry, masakit ba?"

"Anak ng. . . Obvious ba?" Inayos ni Maria ang nagulong buhok, sinamaan din nito ng tingin si Icarus. 

Maling-mali.

Mali talagang sumama siya rito.

Mali na pumayag siya sa imbitasyon ni Athena.

Nasaan na ba ang babae na 'yon? Iniwan na lang silang bigla at ang sabi'y iihi lang. Nagsisi tuloy siya kung bakit unang pinauwi si Manong Ben, may dahilan sana siya para hindi tuluyang sumama sa mukhang kabute na si Icarus.

'Nag-taxi ka sana!'  sigaw ng kaniyang utak. It was the best option she had in mind. Iyon ang plano niya kanina, ang problema, naiwan niya ang wallet at cell phone sa loob ng ginagamit na sasakyan.

"Ang malas ko talaga," she murmured.

"May sinasabi ka?" tanong ni Icarus habang muling pinapaandar ang minamanehong kotse.

"Wala, bilisan mo na lang d'yan. Daig pa natin naglalakad, eh."

"Kung gusto mo pala na mauna, sana nag-taxi ka na lang. You see, ang layo pa ng bahay mo."

'Yon na nga! Ang kaso, ayaw niyang sabihin dito na wala siyang pera. Ayaw niyang isipin ng lalaki na naghihirap siya, at ipahiya ang sarili. Magkamatayan na pero lulunukin na lamang niya ang pride kaysa bigyan ito ng kasiyahan.

Maria kept her silence. Itinuon na lamang niya ang atensiyon sa kanilang nadaraanan kaysa kausapin si Icarus. Wala rin kasi siyang panahon na makipag-close rito at makipagplastikan dahil naiinis pa rin siya rito nang hindi niya matukoy ang dahilan.

Napakaganda ng malawak na tubuhan na kaniyang natatanaw. Bagong sibol lamang iyon at panahon na para linisan at lagyan ng abono para mas maging mataba ang pagtubo. Halos sa buong parte ng lugar ay isang malaking plantasyon ng tubo, madalang ang mais, at walang kamatayan na iba't ibang klase ng malalaking puno sa gilid ng mabatong kalsada.

Ayon sa nakalap na impormasyon ni Maria, sa tulong na rin ng kaibigan niyang si Brad, dalawang pamilya lamang ang tila nagmamay-ari sa lupain ng buong San Vicente. Hawak ng Hacienda Guerrero ang buong Norte at Kanluran, sila rin ang nagmamay-ari ng pinakaunang milk factory na nag-s-supply ng gatas sa buong lalawigan, may flower farm, mayroon ding maisan, tubuhan at prutasan. Bukod pa roon, hawak din ng pamilya ang malalaking posisyon sa politika.

Sa Timog at Silangan, pagmamay-ari ng pamilya Vergara. Tulad ng mga Guerrero, malawak din ang taniman ng pamilya. But the family's main goal was to expand their ranch to produce more cow for breeding and slaughter. May piggery din ang pamilya, katunayan, isa sila sa pinakamalaking exporter ng karne sa Hilagang Luzon.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon