Kabanata 26

1.7K 118 20
                                    

Ilang beses na napakurap si Maria. Hindi niya alam kung namamalikmata lamang ba siya o nananaginip. Ngunit nang maramdaman niya ang matitigas na braso ni Icarus at ang mainit nitong katawan sa kaniyang balat, alam niyang totoo ang kaniyang nakikita.

He's here.

Icarus Vergara is fucking hugging her tight.

Hindi siya makapaniwala. Marami siyang tanong; mga bagay na gumugulo sa isip niya. Tulad na lamang nang kung paano at bakit ito naroroon. Ngunit, ipinagpaliban na muna niya iyon at hinayaan ang sarili na damhin ang pakiramdam na dulot ng mga yakap nito sa kaniya. Wala naman kasing mas mahalaga sa kaniya kundi ito. 

"Don't you dare leave me like that. Damn! It's making me crazy thinking where you've been." Icarus'voice sounded frustration. Damang-dama niya ang pagod sa bawat kataga nito.

Maria was speechless.

She was touched.

Nag-uunahan ang tibok ng puso niya.

Never in her entire life she had felt a nerve wrecking emotion that she couldn't describe. Halo-halo na halos pangapusan siya ng hininga. Ni sa hinagap ay walang lalaki ang kayang gumising sa puso niyang matagal nang nahihimlay.

Si Icarus lang. 

Ito lamang ang lalaking kayang bumuhay sa lahat ng emosiyon na mayroon siya.

Napangiti si Maria.

Yakap pa rin siya ni Icarus at mukhang wala itong balak na pakawalan siya. Nakasandal ang ulo nito sa kaniyang balikat. Hindi na rin ito nagsasalita. Tanging ang mga malalalim na lamang nitong paghinga ang naririnig niya kasabay nang pagpintig ng kaniyang puso. Naging iisang ritmo iyon. Para bang nagpapahiwatig na pareho sila ng nadarama sa mga sandaling iyon.

"I-I'm sorry. . ." Wala siyang ibang masabi kundi iyon lang. Sorry. Kung gusto ni Icarus na ulit-ulitin niya iyon, ayos lang sa kaniya. She's at fault. Tinikis niya ang sarili at pinag-alala ang nobyo dahil sa inis na nadarama niya sa ginawa ng kaniyang daddy sa hacienda at sa kaniya.

Hindi na kasi siya nito binigyan ng pagkakataon. Naging walang silbi ang pagtatanong nito sa opinyon niya tungkol sa Hacienda De Luna dahil may desisyon na ito. Naiinis pa rin siya sa isiping nagawa pa siya nitong tanungin kung balewala lang pala rito ang sasabihin niya. Dahil doon kaya nasa Leyte siya ngayon.

Tinapik niya si Icarus sa likuran nito gamit ang mga kamay na nakayakap dito.

Hindi ito gumalaw.

Nagtaka siya at tinapik muli ito nang mas malakas.

Wala pa rin itong reaksiyon.

Tinawag niya ito, "Icarus?"

Napatingin siya sa guard nang lumapit ito. "Ma'am, tulog na po yata si Sir," anito.

"Huh?!" Nagulat siya sa sinabi nito.

Iginalaw niya ang ulo para silipin si Icarus. Napangiti na lamang siya at napailing dahil totoo ngang tulog na ito. He slept like a baby. Mukhang pagod na pagod. Naaawa siyang gisingin pa ito kaya maingat na lamang niyang dinala ang binata sa isang bakanteng barn katabi ng kanilang mansion sa tulong na rin ng kanilang guard.

Buong magdamag na binantayan ni Maria si Icarus—kung pagbabantay nga bang matatawag ang pagtabi niya dito sa kama at pagyakap dito nang mahigpit habang ito'y natutulog. Nakaaakit ito sa kaniyang paningin kaya hindi niya napigilan na magpadala rin sa antok na nadarama. Hindi na rin siya naglakas-loob na hubaran ito ng damit dahil baka lalong magkasala ang kaniyang mga mata.

Umaga nang magising siya, at ang malalalim kaagad nitong mga mata ang namulatan niya habang mariin at may pagmamahal na pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Magkaharap silang dalawa habang magkatabi sa kama. Kung makikita ng ama at kapatid niya ang sitwasyon, tiyak na malilintikan sila ni Icarus. Sana lang ay hindi magsalita ang guard na kinuntsaba niya kagabi. May pagka-chismoso pa naman ito.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon