Hindi kayang ipaliwanag ni Maria ang nadarama. Mula nang sunduin siya ni Icarus kanina hanggang sa dinner na plano nito, walang tigil ang pagkabog ng dibdib niya nang mabilis. Halos pangapusan siya ng hininga. Nakapanghihina. Masarap sa pakiramdam na may halong takot at pangamba. Kung para saan, hindi niya kayang ipaliwanag.
She was still in awe. Sino ba ang mag-aakala na ang awayan nila ni Icarus ay mauuwi sa pagmamahalan? Damn! Hindi niya mawari kung masyado lang ba siyang lunod sa pagbabasa ng mga romance pocketbook kung kaya'y naisasabuhay niya rin ang nababasa, o 'di kaya'y, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng happy ending tulad ng sa mga bida. Alin man sa nabanggit, isa lamang ang sigurado siya.
She was happy.
Masayang-masaya siya na hinihiling niyang huwag na lamang matapos ang mga sandali kasama si Icarus.
"What are you thinking?" Iyon ang tanong ni Icarus na nagpabalik sa diwa niya sa kasalukuyan. Pinisil din nito ang kaniyang kamay na kanina pa nito hawak, wala na nga yatang balak pakawalan.
Magkatabi silang nakaupo sa isang bench na inilagay mismo ni Icarus kaharap sa tagong lawa, kung saan siya naligo nang nakaraan. Pinili raw nito ang lugar dahil espesyal iyon sa binata— espesyal sa kanilang dalawa. Nagbiro pa nga siya kung dahil iyon sa nakita nitong boobies niya. Pero nang sabihin nitong espesyal iyon dahil bukod sa napakaganda at napakamisteryo ng lugar, inamin din nitong doon unang inamin ng binata na totoong gusto siya nito.
Lumubo ang dibdib niya sa deklarasyon nito. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na nitong pinapahurumentado ang puso niya. Wala itong kahit na anumang ideya sa kaya nitong gawin sa bawat simpleng salita nito sa kaniya. Wala itong alam kung gaano niya kàgusto na masolo ito at tuluyang matawag na kaniya.
Hindi siya kailanman naging selfish sa isang bagay. She shared what she has. Ngunit kapag tungkol kay Icarus, nagiging makasarili siya. Gusto niyang kaniya lamang ito. Gusto niyang siya lamang ang tinitingnan nito sa mata nang may pagmamahal. Higit sa lahat, gusto niyang siya lamang ang magmamay-ari ng puso nito.
Siya lamang at wala nang iba.
She smiled at the thought. Isipin pa lamang niya, hindi na mapigilan ng kaniyang sarili ang matuwa. Damn her for feeling that way. Nakababaliw pala ang ma-in love!
Muli niyang maramdaman ang pagpisil ni Icarus sa kaniyang palad. Tiningnan niya ang lalaki nang may ngiti sa labi.
"Hmmm?" Hindi niya alam ang sasabihin.
Ano ba ang dapat? Sasabihin ba niyang nababaliw na siya sa kaiisip dito kahit magkatabi lamang sila?
"Nag-enjoy ka ba?" ani Icarus. lnilapit din nito ang mukha sa kaniya.
Nagulat siya doon. Napakurap nang ilang beses. She was tongue tied.
Sa kadiliman ng gabi na binibigyang liwanag lamang ng mga LED lights na sinadya nito, kita ni Maria sa mga mata ni Icarus ang ningning. Marahil, tulad niya'y nagagalak din ang binata. Sa sobrang kasiyahan na kaniyang nadarama, ni ang lamig ng hangin mula sa Amihan ay hindi niya ramdam. Nag-iinit ang puso niya. Sapat na ang pagkakandalaiti ng mga katawan nila at ang mahigpit nitong paghawak sa kaniyang kamay para sa gabing iyon. Ang pakiramdam na kasama ito ay nagdudulot ng init sa kaniyang kaibuturan.
Parang hindi totoo, ngunit malinaw.
Isang bagay na hinihiling niyang huwag na sanang matapos pa.
"Hindi mo ba nagustuhan? Damn! I should have looked at more ideas on the internet," himig nagtatampo na tanong nito.
Napailing si Maria. Hindi siya sang-ayun sa sinabi nito. For her, his efforts were enough to make her happy. Sobra pa nga ang ginawa nito.
"It's not like that," aniya para pigilan ang pag-o-overthink nito sa pananahimik niya. "It's just that. . . I don't know what to say. You made me the happiest woman, Mr. Vergara." Tumingala siya sa langit.
BINABASA MO ANG
ICARUS: THE GOD HAS FALLEN
General FictionWhen Mr. Playboy meets Ms. Palaban, sino ang magwawagi?