Kabanata 18

1.9K 110 11
                                    

Hindi alam ni Maria ang gagawin. Sa lakas ng tibok ng puso niya, tila hindi na rin siya makapag-isip nang maayos. Masyadong malapit si Icarus na kung igagalaw niya ang ulo, natatakot siyang magtagpo muli ang mga labi nila. Natatakot siyang madarang muli sa pakiramdam na hatid ng maiinit nitong halik. Damn! Sa sobrang karupukan niya, hindi niya na halos mapanindigan ang sinabi na lalayo na rito.

"Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga babaeng maiingay?" tanong ni Icarus.

Napakurap siya. Napailing. Ano nga ba ang ginagawa nito kapag maingay siya? Wala siyang ideya.

"I-I don't know what you are talking about," halos bulong na aniya.

"Really?" Mas inilapit ni Icarus ang mukha sa kaniya, dahilan para mas dumoble ang tibok ng kaniyang puso. Nakabibingi.

Icarus licked his lips. He was obviously teasing her. Pagkatapos ay ngumisi ito. Nagwika, "I kissed them."

"H-huh?"

"I like it when you're loud. I can easily kiss you," Icarus answered blatantly.

Maria blinked a few times. Did she hear him right?

Wala sa sariling nakapa niya ang labi.

"No! Not again," aniya nang mapagtanto ang sinabi ni Icarus. Malakas niya rin itong naitulak. Nakawala siya rito. She looked at him with disbelief. "Dalawang beses mo na akong nahalikan. Sumusobra ka na—"

"I will kiss you again if I want to," pag-agaw ni Icarus sa kaniyang sasabihin.

Laglag ang panga ni Maria sa narinig. Ang kapal talaga nito.

Icarus smirked. Nakataas ang kilay ng lalaki habang nakatuon ang atensiyon sa kaniya, marahil tinatantiya ang lahat ng kaniyang reaksiyon. Pinaglalaruan ba siya nito? Hindi niya matukoy. Damn! Kung bakit naman kasi ipinanganak siyang marupok. Desensana'y hindi siya mahihirapan na sungitan itong muli.

"Kung may kailangan ka sa akin, sabihin mo na. I'm a very busy person, Mr. Vergara. You see. . . nag-uusap kami ng tauhan ko nang dumating ka." Nagsungit-sungitan siya. Another defense mechanism.

Tumango si Icarus sa kaniyang sinabi, mukhang nauunawaan siya. Humakbang din ito paurong, sapat para makapag-usap sila nang maayos. An advantage for her. Mas naging normal kasi ang tibok ng puso niya sa ginawa nito. Sure, his presence could shake her. Aminado siya roon.

"I have a favor to ask," pagputol ni Icarus sa ilang sandaling pamamayani ng katahimikan sa pagitan nila. Seryoso ito.

Napakunot ang noo ni Maria. Nagtanong ito, "Favor? What do you mean?"

"I need you."

"H-huh?" She was caught off guard.

"I have heard you're a veterinarian."

Ah, so that was what he meant.

Maria cleared her throat. Napahiya siya sa sarili. Bakit ba kasi kung ano-ano'ng pinag-iisip niya sa sinasabi ni Icarus? Simple lang naman sana ang ibig ipakahulugan ng binata, pero, bakit iba ang dating sa kaniya. Nababaliw na talaga siya!

'Overthink pa!' pagkausap niya sa sarili.

"Ahm. . .b-bakit mo naman naitanong?" Napakagat siya sa ibabang labi dahil sa pagkakautal.

"I need your help, please," wika ni Icarus. Ang kaninang mapaglarong ngisi at ekspresiyon ay tuluyan nang nawala. "Ikaw lang talaga ang kailangan ko," dagdag pa nito.

Napakurap si Maria. Ano ba kasi ang ibig sabihin nito? Bakit hindi pa siya deretsahin?

"Ano ba kasi 'yon?!" aniya na may kasamang padyak sa paa. Naiinis siya kay Icarus, ngunit higit sa sarili niya.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon