Kabanata 20

2.2K 121 10
                                    

Hindi maampat ang ngiti sa mukha ni Icarus habang nakatanaw sa mga masisipag na trabahante ng Hacienda Vergara. Ipinatawag niya ang mga ito sa kanilang mansion dahil may sasabihin siyang importante. Nakita niya kasi na maganda ang naging kita nang nakaraan kaya naisip niyang magbigay ng bonus bilang pasasalamat sa lahat.

Hindi siya namomroblema sa desisyon. Nang ipaalam kasi niya ang plano sa mga magulang ay natutuwa pa ang mga ito. Una na roon ang kaniyang ina na gusto pang umuwi para tulungan siya kahit nasa bakasyon. Agad siyang humindi sa ideya nito. Alam naman kasi niyang kaya nilang dalawa ni Athena ang mga bagay-bagay pagdating sa hacienda kahit pa nga ba iba ang kanilang propesiyon. Isa pa, hindi niya kayang sirain ang bakasyon ng mga magulang dahil minsan lang iyon mangyari. Minsan lang din ang mga ito humingi sa kaniya ng pabor at wala siyang balak na biguin iyon.

Ang totoo, nag-e-enjoy siya sa mga gawain sa hacienda. Noong una'y, hindi niya maintindihan ang mga magulang kung bakit siya ang napili na mangalaga roon. Mas magaling kasi si Athena kumpara sa kaniya sa lahat ng bagay. Gayunpaman, kalaunan, naintindihan niya rin kung bakit.

Gusto ng mga magulang niya na magkaroon siya ng koneksyon sa hacienda, kung saan siya nagmula. Gusto ng mga itong makita niya kung bakit maalwan ang buhay nila; isang bagay na nakalimutan niya mula nang mag-aral siya sa Amerika. Higit sa lahat, gusto ng mga ito na maging responsable siya at mag-mature. Dalawang bagay na wala sa kaniya noon. Aminin man niya o hindi, puro paglalaro lang ang alam niya noon pa; kahit na sa mga babae.

Woman.

Sa naisip ay naalala niya bigla si Maria. Napailing siya't mas lumawak ang pagkakangiti. Napakapilya talaga nito, ngunit inosente sa mga bagay-bagay. Tulad na lamang nang nagdaang gabi. Pinasakit nito ang ulo niya at puson. Wala man lamang itong ideya kung paanong pagpipigil ang ginawa niya sa sarili para umiwas sa tukso.

Maria was adorable. She was a living temptress. Hindi niya lubos maisip na ang dating inaayawan niya ay bigla na lang magugustuhan. Inaamin niyang hindi naging maganda ang unang pagkikita nila. It made a bad impression. Pero ngayong mas matagal silang magkasama, mas nakikilala niya ito. Mas nagugustuhan.

Damn, he missed her already.

Nasaan na ba 'yon?

Inilibot niya ang paningin. Nang hindi ito mahanap ay sinipat niya ang relong pambisig. Alas-nueve nang umaga. Kung tutuusin, late na ito. Marami na rin itong absent mula nang magsimula itong magtrabaho sa kaniya. Pero dahil special case ang nangyari sa kanila, wala iyong problema. Isa pa, hindi naman talaga ang trabaho nito bilang sekretarya niya ang dahilan kung bakit gusto niya itong makita. It was because he felt happy and content whenever he saw her smile. Buo na ang araw niya kapag ganoon.

"Sino'ng hinahanap mo?" tanong ng kakambal niyang si Athena. Magkatabi silang nakatayo sa labas ng kanilang mansion kung saan kaharap nila ang mga trabahante.

Inilapit niya ang mukha rito at nagsalita, "Maria isn't here. Nagpaalam ba siya sa 'yo na hindi siya pupunta?"

Tumaas ang kilay ni Athena sa kaniyang sinabi. Inikutan siya nito ng mga mata, bago binaling ang tingin sa mga naghihintay na trabahante. "Bakit mo naman naisip tanungin ako tungkol sa girlfriend mo? Kayo ang magkarelasyon at hindi ako, kaya dapat alam mo kung nasaan siya ngayon. Don't tell me you aren't in a relationship yet?"

Natahimik si Icarus dahil sa sinabi ng kakambal. Paulit-ulit na binabanggit ng kaniyang isip ang katagang magkarelasyon.

Ano nga ba sila ni Maria?

Sure, he likes her. She likes her too.

'Pero wala kayong label.'

Damn! Paano niya ba nakalimutan ang pinakaimportanteng bagay na iyon? Dahil ba hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend kaya hindi niya naisip klaruhin dito ang mga bagay? O dahil hindi pa talaga siya sigurado at handa na pumasok sa seryosong relasyon?

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon