Kung nakamamatay lamang ang tingin, kanina pa bumulagta si Icarus sa sahig ng sariling opisina. At kung nakabubusog lamang din ang ngisi mula sa binata, hindi na sana mapipilitan si Maria na kainin ang inihanda nito para sa kaniya. Sa tindi ng kahihiyang nadarama, dinaig pa ng dalaga ang kamatis sa pamumula ng pisngi. Kung sana'y nilamon na lamang siya ng lupa, wala na sana siyang problema.
"So. . ." si Icarus, may nakalolokong ngisi pa rin ito sa labi.
"Don't start it. Hindi nakatutuwa," Maria said, rolling her eyes.
"Yeah, yeah. In denial," Icarus teased. He chuckled.
Napilitan si Maria na tingnan ito.
Damn!
Mas lalo siyang namula nang makitang ngising-ngisi ang lalaki. Alam kaagad niyang tuwang-tuwa ito sa nangyayari. Habang siya. . . Petty how she felt helpless around him. She was caught off guard. Nagmamatigas na lamang siya para kunwari ay hindi siya apektado. Pero ang totoo, gusto na niyang mawala sa paningin nito. Kailan ba siya lalamunin ng lupa?
"Puwede ba, tumigil ka na. Ano ba talaga ang gusto mo?"
"Wala."
Sinamaan niya ng tingin ang lalaki dahil sa prangkang sagot nito. Tulad ng inaasahan, natutuwa itong paglaruan siya. Kung bakit naman kasi narinig pa nito ang sinabi niya kanina. At kung bakit nasabi pa niya ang mga bagay na iyon ay hindi niya alam. The thoughts were so fast that before she could realize everything, it already slipped from her mouth. Ang masaklap, hindi niya kayang tanggapin na nasabi niya ang bagay na 'yon.
'Kung minamalas ka nga naman!' hiyaw ng mahadera niyang utak.
"Wala naman pa—"
"Finish your lunch first, will you," Icarus interrupted. "You're loud and annoying, Miss De Luna, but I can't afford to see you die in hunger. Pasalamat ka, mabait ako."
Napanganga si Maria. Natigil din sa ere ang kutsara na isusubo niya sana. Gusto niyang sampalin ang sarili. Namamalik-mata ba siya? Why the hell she could sense seriousness in his voice? And his eyes. . . Aktor ba ito sa past life at masyado naman yatang magaling itong umarte ngayon?
"You're joking aren't you?" tanong niya.
"What?!" Kumunot ang noo ni Icarus.
Napatikhim na lamang si Maria. Marahan din na napailing. She was speechless again. Katulad na lamang nang nangyari kanina habang inaalok siya ni Icarus na kumain. Sa sobrang gulat, naging sunod-sunuran siya nito. Ang balak na umalis at maglaho ay hindi na niya nagawa.
Adobong manok na pininyahan at kanin ang dala ng binata. May kasama pang pakwan na pagkapula-pula para sa panghimagas. May orange juice na siyang paborito niyang inumin. May tubig din. Puno ang tray na dala nito na akala mo ay dalawang tao ang kakain. But to her surprise, Icarus only got coffee for himself.
Gusto ni Maria na tanungin ang lalaki kung bakit nito ginagawa iyon. Sa katunayan, pakiramdam niya ay nabusog na siya sa isiping dinalhan siya nito ng pagkain. Mabait din pala ang lalaki. Akala niya ay iniwan na lamang siya nito basta. Ang kaso, hindi niya magawang magtanong. Para ano? Wala naman sigurong ibig sabihin ang lahat. Coincidence lamang marahil; tulad nga ng sinabi nitong ayaw siyang magutom.
Napilitan siyang tapusin ang pagkain, kahit naiilang sa mga titig ng lalaki. Bakit ba ito nakaupo mismo sa harap niya? Bakit hindi na lang ito bumalik sa sariling upuan? Natatakot ba itong hindi niya maubos ang pagkain? O, gusto lang nitong pagmasdan siya dahil gusto nito?
Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ni Maria. Marami siyang gustong sabihin ngunit mas pinili niyang manahimik. Ipinagdarasal na sana'y matapos na siya sa pagkain dahil baka kung magtagal, hindi na rin niya kaya pa ang lumunok. Icarus' stare was making her uncomfortable. Strange, but she seemed like she lost her confidence towards him.
BINABASA MO ANG
ICARUS: THE GOD HAS FALLEN
Aktuelle LiteraturWhen Mr. Playboy meets Ms. Palaban, sino ang magwawagi?