Kabanata 34

1.5K 100 19
                                    

Hindi mapakali si Maria dahil sa nalaman mula kay Brad tungkol kay Veronica. Kanina pa siya nagpabiling-biling sa kinahihigaan. Ni hindi siya dalawin ng antok, kahit ang isip niya ay pagod maging ang katawan. Sa sobrang gulat, tila tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo at nawalan siya ng kakayahan na mag-isip.

Hindi siya makapaniwala. The news was like a bomb. It shocked her. Kahit gaano man niya isipin na hindi iyon totoo, alam niyang dinadaya niya ang sarili. Hindi nagsisinungaling si Brad sa kaniya, patunay roon ang mga dokumento na nabasa niya tungkol sa babae. She's a psychiatric patient from London. Kauuwi lamang nito sa Pilipinas ilang buwan na ang nakararaan. Nakumpirma niya rin na may encounter nga ito at si Icarus. Kaya posible rin ang sinasabi nitong ama ng anak nito ang asawa niya.

Napahilot siya sa sentido. Sumisidhi na naman kasi ang sakit niyon. Bumangon din siya para kumuha ng tubig sa bedside table. Katabi niyon ang cell phone ni Icarus. Gusto niyang abutin ang aparato ngunit mas pinili niyang hindi gawin. Naguguluhan pa rin siya kung paano niya sasabihin dito ang mga nalaman. It would be best to talk to him in person.

She sighed heavily. Kahit nahihirapan, pinilit niyang matulog kahit mag-uumaga na. Kaya nang magising siya kinabukasan, mataas na ang sikat ng araw. Ang pamilyar na pakiramdam na tila hinahalukay ang kaniyang sikmura ang tuluyang nagpabalik sa nagliliwaliw pa niyang diwa. Kaagad siyang nagtungo sa banyo. Dumuwal. Kahit wala nang mailabas ang kaniyang sikmura dahil puro laway na lamang iyon, ilang sandali siyang nanatili sa ganoong ayos.

She felt a bit odd about herself.

Hindi naman kasi siya sakitin. Sadyang naninibago lamang siya sa sarili. Namumutla siya. Madalas din siyang mahilo at mabilis mairita. She craved for foods that she doesn't usually eat. Lagi rin siyang hinihila ng antok, at laging gutom. Tumataba na nga siya tingin niya. Maliban doon, wala na siyang iba pang napapansin.

Napailing si Maria. Epekto lamang marahil ng stress kaya niya nararamdaman ang mga bagay na iyon.

Nang matapos sa paglilinis sa sarili, ipinasya niyang magbihis at mag-pack ng iilang gamit para sa planong pag-alis. Napag-isipan na niya nang mabuti kagabi na babalik siya ng San Vicente para makausap nang maayos si Icarus. Hindi na niya kaya pang maghintay ng ilang araw. Baka kasi kung gagawin niya iyon, baka maging mas kumplikado pa ang lahat.

Hindi naman niya intensiyon na siraan si Veronica kay Icarus o sa pamilya nito. Gusto lamang niyang sabihin ang mga nalalaman niya. She also wants to know if Veronica is being honest with the Vergara's about who she is. Ayaw niyang sa huli ay masisisi pa niya ang sarili dahil mas pinili niyang manahimik, lalo na't nagdadalang-tao ito. She claimed that she bears Icarus' child. Ayaw niyang may mangyaring masama sa bata.

"Aalis ka? Saan?" Iyon ang bungad na tanong ng ama ni Maria nang magpaalam siya rito. Nasa opisina sila nito. Abala pa rin kasi ito dahil tatakbo muli bilang Governor.

"I'm going to San Vicente, dad. I need to talk to Icarus," sagot ni Maria.

"Mary, if the man can't fix his own mess, he's not worth it. You don't have to do this, anak. You're the princess. You deserve better-"

"Dad," sansala ni Maria sa iba pang sasabihin ng ama. Naiintindihan niya ang punto nito. Kahit hindi niya sinabi ang sitwasyon nila ni Icarus, alam niyang nagtataka ang mga magulang kung bakit hindi ito nagpapakita.

"I'm not a princess. Hindi rin ako naghihintay ng perfect prince. I want a man that I love, whether his perfect or not. I appreciate your concern, dad, but I can decide on my own," dagdag niya.

Narinig niya ang malakas nitong paghinga. "Okay. If that's what you want, anak, hindi ako tututol. Just to let you know that whatever happens, you have us on your back," anito, seryoso ang mga mata habang nakatitig sa kaniya.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon