Kabanata 24

1.7K 100 11
                                    

Nababagot na isinandal ni Icarus ang likod sa lounge chair na kinauupuan. Habang hawak sa kamay ang wine glass, inilibot niya ang tingin sa nagaganap na party ng mga Grant, isa sa kaibigan ng kanilang pamilya. Pinangunahan iyon ng kaniyang Tito Callen at Tita Arruba na masayang nakikipaghalubilo sa mga bisitang naroon.

Hindi mawari ng binata kung papaano siya napa-oo ng kakambal na si Athena at mga kapatid na dumalo sa nagaganap na kasiyahan. Nabigla na lamang siya nang sabihin ng mga ito na luluwas sila ng Maynila. Tuloy, gusto niyang hilahin ang oras para matapos na ang lahat at makauwi na sa San Vicente.

Iisa lang ang rason niya.

He wanted to be with Maria.

Hindi rin kasi siya nakapagpaalam man lang dito.

Isa pa sa bumabagabag sa kaniya ay kung bakit ayaw nitong sagutin ang mga tawag niya. Wala naman siyang nagawang mali na dapat nitong ikagalit. Hindi rin sila nag-away nang gabing hinatid niya ito matapos ang kanilang date. Isa lang ang maaaring posibilidad na naiisip niya. Hindi nito nagustuhan ang pagiging clingy niya.

Damn!

Na-corny-han ba ang dalaga sa kaniya?

Gustong batukan ni Icarus ang sarili.

Nababaliw na siya sa kaiisip kay Maria.

"Hey, Icarus. What's up, man!" Agad siyang napatingin sa kaniyang Tito Kraius nang maupo ito sa kaniyang harapan. Nakataas ang kilay nito. "Babae?" dagdag na wika nito habang may ngisi.

Icarus shook his head and smirked. He responded, "May lahi ka bang manghuhula, Tito? You're so good at this stuff, huh."

Natawa ang kaniyang Tito Kraius.

"Well, what can I say. Bukod sa guwapo ako, matalino rin. I'm perfect, dude," nakalolokong tugon naman nito.

Pinagmasdan  ito ni Icarus.

Kraius Montreal is almost in his sixties but he still looks younger. Wala nga yatang nagbago sa pisikal na anyo nito. Guwapo pa rin at maawtoridad. Mapagbiro kung minsan pero agad na tumitiklop kapag pinandidilatan ng kaniyang Tita Rhezi, ang asawa nito.

Sa apat na haligi ng kanilang pamilya, ang Tito Kraius niya ang madalas niyang nakauusap kapag tungkol sa babae ang paksa. Hindi na rin nakapagtataka. Ilang beses kasi itong naiwan ng kaniyang Tita Rhezi noon. Para nga dito, karma iyon dahil sa pagiging playboy. Isang bagay na ayaw niyang mangyari sa kaniya kaya pinipilit niyang magbago.

"So, the "god" has finally fallen, huh? Who's the lucky woman, bud? Is she a supermodel? A colleague from America?" curious na tanong nito nang sumeryoso.

Siya naman ang natawa.

Hindi pa rin talaga nagbabago ang kaniyang Tito Kraius. Chismoso pa rin ito.

"Tito, I'm glad you're here. At least, hindi mapapanis ang laway ko ngayon," biro niya.

"Well, it's my expertise. I can lift everyone's mood. My handsome face is enough, right?" 

Sabay silang natawa ng kaniyang Tito Kraius.

Hindi talaga niya maisip kung paano ito naging abogado. Mas bagay kasi rito ang maging komedyante. Magaling din itong detective dahil kahit sino ay kaya nitong mahanap.

Sa naisip ay bigla siyang may naalala.

Sumeryoso siya bigla. Nagwika, "By the way, you look good on your suit, Tito. Abercrombie?"

Umayos ito ng upo bago siya sinagot, "Yeah. My sons had been the face of the brand since then. Hindi na rin nila ako tinigilan sa pangungulit na kailangan kong gamitin ang brand na in-i-endorse nila. And. . . ask your Tita Rhezi," hindi makapaniwalang anito.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon