Kabanata 11

2K 100 11
                                    

Sa gabing iyon na yata ang pinakamagarbong make up na nagawa ni Maria para sa sarili. Bukod sa binago niya ang hugis ng kaniyang mukha, maging ang tangos ng kaniyang ilong, mas pinakapal din niya ang mga labi. It was an extreme transformation. Sino ang mag-aakala na siya si Maria Corazon De Luna? Kahit nga ang kaibigang si Mia ay hindi siya nakilala nang makita siya.

The yellow sequined dress fitted her body perfectly, paired with a golden stiletto heels. Ang kaniyang buhok ay hinayaan niyang nakalugay, mas dinagdagan lamang ang volume niyon gamit ang hair extension. Nagsuot din siya ng malalaking hikaw na ibinagay sa suot niyang bangle bracelet.

Para sa kaniya, isa lamang itong ordinaryong party. Maliit ang lugar, mainit, at simple. Pero dahil siya si Maria, hindi siya papayag na hindi makuha ang atensiyon ng lahat. Isang bagay na madali niyang nakamit nang papasok pa lamang sila sa loob ng bar.

How she loved the attention she was getting from people. The stares and the praises. Lumulubo ang puso niya habang naririnig ang bulungan ng iba patungkol sa kaniya. At dahil matagal na rin nang huli siyang mag-party, ibinuhos niya ang lahat ng lakas para makisabay sa iilang nagsasayaw sa dance floor kasama si Mia.

Maria swayed her hips left and right in a seductive way. Put her hands up and twerk like crazy. Who cares? All she wanted was to enjoy. She was just lucky because she was very good in dancing. She knows her moves very well. She knows her rhythm. Kung may level competency ang pagsasayaw, malamang doctorate na siya.

"How was it?" tanong ni Mia sa kaniya, malaki ang ngiti nito sa labi.

Humihingal na sumagot siya, "It's heaven. Para akong nabuhay ulit. Thank you, bitch!"

"Tssk. Maliit na bagay."

She smiled. Mia was really her real friend. Hindi niya lubos maisip na nag-research pa ito tungkol sa San Vicente bago dumalaw sa kaniya. She was touched when she said that they will spend time together to enjoy; to relieve her from stress. Hindi naman kasi lingid sa kaibigan ang pasan niyang responsibilidad.

"Wait here. I will get drink for us," aniya. Pagod na rin ang katawan sa kasasayaw kaya gusto niyang umalis muna sa dance floor.

Tumango si Mia. "Margarita, please."

Kumindat siya. Iniwan ang kaibigan.

Maria was heading to the bar counter when she bumped to someone. Naiinis na sinapo niya ang noo bago ito tiningala. Obviously, he's a man. Sa tindig pa lamang nito at pananamit; lalo na sa gamit na perfume na nanonoot sa kaniyang ilong.

She was about to tell her frustration towards him when she realized who he was. Bigla ay tila nalulon niya ang dila. Damn! Bakit ba sa lahat ng lugar ay sumusulpot ito? Talaga nga yatang may lahi itong kabute.

Dali-dali siyang tumalikod; acting like she didn't care at him. Ngunit napamura na lamang siya sa isip nang maramdaman ang mainit nitong palad sa kaniyang balat. Damn! Ano ba ang gusto nito?

"Sorry," anito.

Maria tried to calm herself. She needed to. Hindi naman siguro siya nakilala ni Icarus. Isa pa, bakit ba palagi na lamang siyang naiilang kapag bigla na lang itong nagpapakita? Hindi kaya. . .  No! Hindi puwede.

She faked a smile. Umiling nang marahan. "It's alright. Don't worry," aniya.

Hindi natinag si Icarus. Hawak pa rin nito ang kaniyang braso. She cursed him inside her head. Base sa mata nitong nakatitig sa kaniya na dahilan ng kaniyang pagkailang, alam niyang may kailangan sa kaniya ang lalaki. Ang kilos nito ay pamilyar na sa babaeng katulad niya na mahilig sa party.

Kung ibang lalaki ito, baka malugod niyang pauunlakan. But he's Icarus. He's out of her league. Isa pa, kahit hindi siya nito kilala, hindi niya ito kayang patulan sa gabing iyon. Because, he's making her uncomfortable. His presence is disturbing her. Bagay na ayaw niyang maramdaman sa sarili.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon