Kabanata 3

3.7K 151 39
                                    

Few months ago. . .
Manila.


Muntik nang atakihin sa puso si Icarus nang pagmulat ng kaniyang mga mata ay isang babae na buhaghag ang buhok ang nabungaran niya. Mahimbing ang tulog nito. Nakatagilid paharap sa kaniya habang ang isang braso ay nakapulupot sa hubad niyang katawan.

Dahan-dahan, inalis niya ang kamay nitong nakalingkis sa kaniya. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi man lamang ito nagising. Mabilis pa sa alas-kuwatro na kinuha niya ang nagkalat na damit. Isinuot. Paulit-ulit na minumura ang sarili dahil sa kawalan ng alaala sa nangyari. Sinisi niya rin ang mga kaibigan na kasama sa party nang nagdaang gabi.

Nang màsigurong presentable na ang sarili, kinuha ni Icarus ang cell phone na nasa gilid ng kama. Sinilip ang oras doon. Napatampal siya sa noo nang makitang umaga na. Tiyak na hinahanap na siya ng mga kasama sa bahay para sa agahan.

Bago umalis, kinuhanan niya muna ng litrato ang babae na tulog pa rin sa kama. Kinumutan niya rin ito dahil masyadong malamig ang binubugang hangin mula sa aircon. Gusto sana niyang iwan ng isang halik ang babae ngunit natatakot siyang magising ito. Naiiling na iniwanan na lamang niya ito ng isang bagong XL na condom na nakuha niya sa bulsa ng pantalon; tanda na gumamit sila ng proteksyon bago umakyat sa langit. May isang sticky note rin siyang nakuha sa drawer ng unit at ballpen kaya malaya niyang naisulat ang mga katagang, The soldiers are safe inside the bin. Love, God of the Moth.

Mabilis na nilisan ni Icarus ang lugar na parang walang nangyari. Sakay ng Grab taxi, sa Monterio mansion, kung saan siya nanunuluyan ang kaniyang tungo. Sa daan ay hindi siya mapakali. Alam niyang mapagagalitan siya ng Tita Anya niya dahil hindi naman siya nagpaalam dito nang nagdaang gabi. Idagdag pa na ngayong araw ang uwi niya papuntang San Vicente, ang probinsiya kung saan siya ipinanganak.

Mahigit sampung taon na rin ang nakararaan nang lisanin niya ang Hacienda Vergara kasama ang kakambal na si Athena para mag-aral sa America. Mechanical engineering ang kursong kinuha niya, mahilig kasi siya sa makina. Si Athena naman ay architecture, mahilig kasi ito sa pagdi-disenyo ng building. Sa kanilang dalawa, ang kakambal ang unang umuwi pabalik sa kanilang probinsiya. Habang siya naman ay kauuwi lang nang isang buwan mula America dahil may inasikaso pa siyang tungkulin sa iniwang trabaho sa America. Kung ang kapatid ay dumeretso kaagad sa hacienda nila nang umuwi ito, siya naman ay namalagi muna ng Metro para maghanap ng trabaho. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Isa sa pinag-apply-an niya ay ang kompanya ng kaniyang Tito Andrius.

Bilang panganay sa kanilang magkakapatid, nakaatang sa balikat ni Icarus ang responsibilidad. He grew up independently. Bata pa lang ay mature na ang isip niya sa lahat ng bagay. Maloko siya, oo. Ngunit hindi ibig sabihin na aasa na lamang siya sa yaman na mayroon ang kaniyang ama. He wanted to prove his worth to everyone-as a son and as a brother. He wanted to impress. He wanted to show his parents how grateful he was for raising him to be a better version of himself. Mahal na mahal niya ang mga magulang. Ah! He couldn't wait to finally come home.

Kaagad siyang umibismula sa taxi nang huminto ito sa tapat ng isang kulay ginto na gate. Hindi na siya nag-doorbell dahil saktong kabubukas lang din ng guard sa maliit na pinto na nasa gilid niyon. Sinaluduhan niya pa ito bago mabilis ang mga hakbang na naglakad sa mahaba at konkretong pathway na konektado sa main door ng mansion.

Pasipol-sipol, pinagmasdan niya ang paligid. Walang tao. Tahimik pa ang buong kabahayan. Nakapagtataka ngunit ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Tulog pa marahil ang lahat.

Napangisi siya. Gumilid upang sa kusina dumeretso, mas mabilis kasi iyon patungo sa kaniyang kwarto. Dahan-dahan ang pagbubukas niya sa nakasaradong pinto. Dinadalangin na sana ay walang makakita sa kaniyang pagpasok. Ngunit hindi para sa kaniya ang araw na iyon.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon