Kabanata 19

2K 115 15
                                    

Hindi napigilan ni Maria ang mapangiti nang tuluyang lumabas ang baby ng pinapaanak niyang baka. Worth it ang lahat ng pagod at pawis niya sa paghihintay dahil napakaganda ng kulay nito at malusog. Ibig sabihin, nagtagumpay siya sa kaniyang misyon kahit na nga ba biglaan lamang iyon.

"Good job, mama cow." Hinaplos niya ang inahing baka sa tiyan nito bago iniwan. Kampante siyang maayos na rin ang kalagayan nito dahil binigyan na niya ito ng pagkain na mainam para dito.

"Now, it's your turn, baby cow," pagkausap niya sa maliit ngunit malusog na bagong labas na baka. Inilapit niya iyon sa inahin at hinayaan na dumede. Nang tuluyan nito iyong nagawa ay mas lalo siyang nagalak. Dahil, ang unang gatas mula sa inahin pagkatapos nitong manganak o ang colostrum ay mainam para panlaban ng katawan ng maliit na baka mula sa impeksiyon. Tulad ng tao, ganoon din ang baka. Kaya tiyak niyang magiging maayos na ang lahat.

"Is everything okay here?" ani Icarus na nasa kaniyang likuran.

Nakangiti nang binalingan niya ito. "Yes, they're both fine. Nothing to worry about. Also, I will stay here for a while to give them injections. It's vitamins, so relax," aniya.

Sa narinig, agad na nagliwanag ang mukha ni Icarus. Nilapitan siya at niyakap. She was caught off guard, but she did not complain. Kahit na nga ba, pinagtitinginan sila ng mga trabahante ng Hacienda Vergara na naroon sa kuwadra.

"Thank you. You're adorable back there. Your eyes were fearless and confident. I can't take my eyes off of you awhile ago. You're amazing," anito, bakas sa boses ang paghanga.

Natawa si Maria. Gusto niyang itulak si Icarus gamit ang mga kamay ngunit natatakot siyang baka marumihan ang suot nito dahil hindi pa niya natatanggal ang guwantes na ginamit kanina sa pagpapaanak. Isa pa, amoy pawis siya na humahalo sa amoy ng baka. Tiyak niyang amoy at mukha siyang maasim. Ngunit paano niya gagawin iyon kung masyadong mahigpit ang pagkakayakap nito na halos pangapusan siya ng hininga?

"Tsansing ka," tanging nasabi na lamang niya.

She awkwardly bit her lower lip. Parang kailan lang nagbabangayan pa sila ni Icarus, sinusungitan niya pa ito, tapos bigla-bigla, may yakapan nang namamagitan sa kanila. Hindi lang yakap kundi halik. Tatlong beses pa.

'Wala nga lang label,' sulsol ng mahadera niyang utak.

Yes, wala pa.

Hindi rin naman siya nagmamadali.

Isa pa, sa sinabi ni Icarus kanina at inaakto nito ngayon, para na rin silang may relasyon. She wanted an assurance from him. And he was generous enough to prove his intention. His actions were more than enough. Sino siya para magmatigas at supilin ang tunay na nadarama?

Maria was giving herself a chance. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang pakiramdam ng totoong pag-ibig. Gusto niyang maranasan kung gaano ito kasarap. Hindi na rin siya bata para maglaro pa. She wanted a serious relationship. Hindi man niya alam ang patutunguhan, ang mahalaga, seryoso siya. 

"Gutom ka na ba?" wika ni Icarus kapagkuwan. Yakap pa rin siya nito. Wala na nga yata itong balak pakawalan siya.

"Uh huh. Kaya puwede mo na ba akong pakawalan? I can't breathe, Icarus. Baka mamamatay akong gutom," biro niya.

Icarus cursed, realizing what he did.

"Sorry, I overreacted. Damn!" anito habang pinapakawalan siya.

Maria smiled. "Kidding aside. Ang lagkit ko na kasi. Amoy pawis pa. Nakakahiya," aniya habang tinatanggal ang guwantes na suot. Itinabi niya iyon sa may divan at muling sinulyapan ang maliit na baka na dumedede pa rin sa inahin. "It's an adorable calf. Don't you think?" komento niya habang palapit kay Icarus.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon