Kabanata 29

1.8K 105 20
                                    

Icarus and Maria made love the whole night. Walang kasawaan nilang sinamba ang isa't isa sa paraang gusto nila. Na para bang sa bawat haplos at halik ay maipadarama nila ang pag-ibig na hindi kayang tumbasan ng mga salita. Na kahit ang kaliit-liitang lungkot at pighati ng kanilang puso ay kayang paghilumin ng purong pagmamahal at nag-aapoy nilang damdamin.

Tanghali nang magising si Maria. Masakit ang kaniyang buong katawan lalo na ang nasa gitna ng kaniyang mga hita. Hindi niya inaasahan na ganoon pala ang pakiramdam sa unang karanasan, tila hinahati ang kaniyang pagkatao. Ganunpaman, masaya siya dahil ganap na siyang babae, at naibigay niya ang sarili sa taong mahal niya—kay Icarus.

Napangiti siya sa sarili habang nakapikit. Kinapa niya rin ang kaniyang tabi. Nagtaka siya nang hindi mahagilap si Icarus kaya'y iminulat niya ang mga mata. Napagtanto niyang nag-iisa lamang siya sa kwarto, at doon niya lamang napansin na suot na niya ang kulay puti na polo ng lalaki.

Nasaan na kaya ito?

Nasagot ang kaniyang tanong nang iluwa ng nakasaradong pinto ang binata. Nakangiti ito habang bitbit ang isang tray na may umuusok pang pagkain. Agad siyang umayos ng upo sa kama at ngumiti rito pabalik. Sinuyod niya rin ang kabuuan nitong walang pang-itaas na damit. Hantad na hantad sa kaniyang paningin ang naghihimutok nitong muscles at ang walong pandesal nito sa tiyan na tila inukit pa ng sikat na iskultor.

Nakapanglalaway. 

Nakaaakit.

Damn him for being sexy as hell!

Muli, naalala niya kung gaano kasarap ang hatid ng malalakas nitong braso sa kaniyang katawan. Kung gaano ito kainit.  Kung paano nito kayang iparamdam sa kaniya na sa mga yakap lang nito, ligtas siya. He's her knight. Her savior. Sa piling nito, damang-dama niya ang kapanatagan ng kaniyang puso na matagal na niyang gustong maranasan.

"Good morning, baby!" bati ni Icarus.

"Good morning," she replied.

Inilapag muna nito ang tray sa kaniyang harapan bago nagsalita muli, "Breakfast in bed for my lovely wife." He then kissed the top of her head. "How's your sleep?"

Maria smiled and leaned on Icarus' shoulder while they sit beside each other.

"Never been better. Thank you."

Kumuha si Icarus ng pagkain at sinubuan siya.

He's the sweetest!

Kinain kaagad niya iyon.

"Are you still sore?"

Namula ang kaniyang pisngi sa tanong ni Icarus. Muntik pa siyang mabilaukan. Agad naman siyang inabutan ni Icarus ng tubig at hinapuhap din nito ang kaniyang likod. Nang makabawi ay tiningnan niya ito nang masama. She was trying to hide her embarrassment. Bakit naman kasi bigla-bigla na lang itong nagtatanong tungkol sa ganoong bagay?

"Kailangan mo pa ba talagang itanong 'yan?" She bit her lower lip. Bigla kasing uminit ang paligid kahit pa nakabukas naman ang bintana ng silid.

Icarus looked at her intently. Hinawi rin nito ang mga hibla ng buhok na nagkalat sa kaniyang mukha. Inipit nito iyon sa kaniyang tainga. Mapupungay ang mga mata nito nang magsalita muli, "I just want to make sure that you're okay. I'm sorry I got carried away last night. I forgot that it's your first time. I became rough."

Ninakawan siya nito ng halik. Na agad naman niyang tinugon.

Walang kaso ang pag-angkin nito sa kaniya nang marahas. Bagkus, mas lalo niyang nadama ang pagmamahal nito na hindi kayang tumbasan ng kahit anumang salita. Mas naramdaman din niya ang pagiging babae na ito lang ang kayang magparamdam. Masakit na masarap. Iyon ang mga tamang salita na naglalarawan sa totoong nadarama niya sa piling nito nang nagdaang gabi.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon