It was the most awkward lunch Maria had ever experienced in her entire life. Ni hindi nga niya sigurado kung paano niya natapos ang pagkain na ibinigay ni Mia para sa kaniya. Hindi niya rin mabasa kung galit ba ito o hindi. Mas lalong hindi niya alam kung paano i-proseso ang lahat ng mga nangyari.
Napakabilis.
Napakagulo.
Kinakain siya ng kunsensiya sa bawat sandaling lumilipas. Gustuhin man niyang umalis at pagsisihan ang desisyon na manatili kasama ang pamilya ni Icarus, wala na ring saysay. Mas nangingibabaw sa kaniya na makausap ang kaibigan at magpaliwanag dito. Pero paano niya gagawin 'yon?
Napabuntonghininga siyang naupo sa lilim ng isang puno malapit sa lawa. Mag-isa, habang ang mga mata ay sa bughaw na tubig nakatingin. Nag-iisip nang malalim. Sinisisi ang sarili sa katangahan at karupukan. Kung mas bukas sana ang kaniyang kamalayan sa paligid ng lawa kanina, hindi sana siya hahantong sa paghuhubad at paliligo. Kung sana'y malakas lang ang kaniyang pagtanggi, hindi siya hahantong sa pagtugon sa mga halik ni Icarus.
Inaamin niyang dinadaya niya ang sarili kung sasabihin niyang nagsisisi siya sa nangyaring halik. Ang totoo, nagustuhan niya iyon. Isang kasinungalingan din kung sasabihin niyang "crush" niya lang ang binata, dahil higit pa roon ang nararamdaman niya para dito. If it is love, she isn't sure. But trying to avoid him and getting annoyed were her escape antics of denying her true feelings.
Hindi naman kasi madali ang mga bagay patungkol kay Icarus. They started as enemies. She has an obligation to fullfil in his land. She annoyed him. Gusto ito ni Mia, her best friend. May responsibilidad siyang dapat unahin, at hindi pagkakaroon ng boyfriend iyon. She doesn't want to complicate things. Isa pa, hindi siya gusto ng lalaki.
Hindi nga ba?
After his confession, Maria wasn't sure anymore. Naiinis siya sa sarili. Marami siyang tanong na hindi pa nasasagot. She was confused. She wanted to know the truth. She wanted to confront Icarus. But she was afraid too. She was afraid that if she could find the answer from him, it would make things worse.
Ayaw niyang mangyari iyon. Pero bakit tila napakahirap niyong iwasan?
Sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi na niya napansin na nakalapit na si Athena sa kaniya. Tinabihan siya nito sabay sabi, "I never thought you and my brother will get along pretty well, Miss De Luna."
Nagulat si Maria sa sinabi nito at presensiya. Gayunpaman, sinulyapan niya ito at nginitian. She replied, "I did not expect it either, Miss Vergara. Things came so fast. It was unexpected."
Natawa si Athena sa kaniyang sinabi. "Well, for me, it doesn't seem like it. Halata namang may spark na kayo ni Kuya noon pa."
Nanlaki bigla ang kaniyang mga mata. "Spark? Saan banda? That's totally absurd. Wala naman kaming ibang ginawa ng Kuya mo kundi ang mag-away."
"Defensive. See, you're blushing," panunudyo nito na sinabayan pa ng malutong na tawa.
Maria shook her head and looked at Icarus who was setting beside Mia. Nag-uusap ang dalawa sa 'di kalayuan. Seryoso. May ideya na siya kung tungkol saan iyon, hindi na nga lang niya makumpirma. Isa pa, nabanggit ni Mia na uuwi na ito ng Leyte. Isang bagay na mas lalong nagpabigat sa kaniyang nararamdaman.
Napabuntonghininga siya. "Hindi naman kasi ganoon kàdali 'yon. Isa pa, hindi ako sigurado." Napayuko siya at sinimulang bunutin ang mga damo sa kaniyang harapan.
" Hindi ka sigurado saan?" tanong ni Athena. Natahimik ito saglit, pinagmamasdan siya. Kapagkuwan ay nagwika, "Ang cute niyo talaga ni Kuya."
"Yeah, I guess."
BINABASA MO ANG
ICARUS: THE GOD HAS FALLEN
General FictionWhen Mr. Playboy meets Ms. Palaban, sino ang magwawagi?