Kabanata 12

2K 109 25
                                    

Umaga pa lang ngunit busangot na ang mukha ni Maria. Sino ba kasi ang hindi kung buong magdamag niyang hinintay ang kaibigang si Mia. Nauna kasi siyang umuwi rito dahil ayaw niyang makasalubong muli si Icarus sa bar. Isa pang dahilan, ngayon ang araw ng outreach program na plano rin ng kaibigan.

Gusto na niyang ihagis ang cell phone sa sobrang frustration-ni text o tawag kasi ay hindi man lamang nito nagawa. Kagabi pa siya naghihintay ng update mula sa babae, ngunit mukhang nakalimutan na yata siya nito.

Naiiling na nahiga siya sa kama, hawak pa rin ang cell phone sa dalawang kamay habang nakataas; umaasang magpaparamdam ang kaibigan. Siguro naman ay gising na ito kung saan man ito natulog? Saka, kanina pa siya tawag nang tawag dito. Nakapaimposible kung hindi nito iyon makikita. Knowing Mia, cell phone ang una nitong hinahanap kapag umaga.

Nang tumunog ang aparato at nakita ang pangalan ng kaibigan, dali-dali niyang pinindot ang answer button. Sa pagmamadali, nahulog pa iyon sa kaniyang ilong. Halos mapaluha siya sa sakit, at hindi napigil ang mapamura. Damn, Mia! She's giving her a headache.

"BITCHHHHH!!!!" sigaw nito sa kabilang linya.

Maria covered her ear abruptly. Inis na bumangon siya mula sa kama at naupo. She put the phone on top of the bed and turned on the speaker mode.

"What the hell! Pinuyat mo na nga ako, may balak ka pang sirain ang eardrums ko," inis na aniya.

"Sorry. . . Sorry. . ."

"Where you at? Alam mo naman na ngayon ang plano natin 'di ba? Um-absent pa ako dahil sa 'yo, tapos. . ." Naalala niya bigla si Icarus-her work and the conversation they had last night.

Napabuntonghininga bigla siya at wala sa loob na napatingala. She was upset. She could hear Mia's apologies. She could sense how sorry she was. But what happened, happened. Ano pa nga ba ang magagawa niya?

"Fine. Umuwi ka na lang dito at deretso na tayo sa pook. Kanina pa tumatawag ang mga tao natin doon. They are waiting for us. Mabuti na lang nandoon si Brad, kundi, ewan ko na lang sa 'yo." She rolled her eyes as if Mia could see it.

"Can I bring a friend with me?"

Hindi makapaniwalang napatitig si Maria sa cell phone. Kung nakalulusaw ang tingin, baka kanina pa iyon nawala. At kung nakatutusok lamang ang kaniyang mga mata patungo sa ibang lugar, baka kanina pa bumulagta ang kaibigan kung nasaan man ito. Hearing from what Mia said, she already knew what she was up to.

"Mas inuna mo pa lumandi kaysa isipin ang lakad natin. Grabe ka talaga!" reklamo niya.

Natawa si Mia. Now, she's bragging about her new man. "Of course, kapag guwapo at hot, there's one rule, Mary."

"At ano naman 'yon?" walang interes na tanong niya.

"Landi now, outreach later."

Maria tssk. Sa isip ay sinasabunutan na niya ang kaibigan.

"Seriously, iiwan na kita kung ayaw mo pang umuwi. We're late, Mia. Late tayo sa sarili mong plano." Idiniin niya ang huling sinabi.

"Fine. Magkita na lang tayo sa bukana patungong pook. Bye!"

"But—" Iyon lang at nawala na ang kaibigan sa kabilang linya. "Put*ngina naman, oo," nasabi na lamang ni Maria sa sarili.

Mabilis siyang umalis sa kama at inayos ang pagkakagusot ng bedsheet bago nagtungo sa banyo. Sa pagmamadali, hindi na niya nasunod ang routine kapag naliligo. Ang importante, nakapagsabon at shampoo siya at amoy mabango. Bahala na kung hindi man lamang siya tumagal ng limang minuto sa shower. Kung hindi lang dahil kay Mia. . .

ICARUS: THE GOD HAS FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon