Kabanata 5

2.4K 37 16
                                    

Kabanata 5

Tahimik na nakatingin lang ako kay Eros na busy mag aral. Nakapangalumbaba ako at tinititigan siya.

"Hindi ako makapag focus dahil tingin ka ng tingin." Bulong niya sa akin.

Ngumiti ako at umiling sa kaniya. "Huwag ka ma bother sa beauty ko, bebe ko. Ako lang to ang future wife mo." Bulong ko din at nag kunwari na nag babasa ng libro.

Nandito kaming dalawa sa library at nag de date ay este nag aaral pala siya para sa darating na quiz bee, ako naman ay cheerleader niya charot. Wala lang gusto ko lang dito.

Wala talaga akong klase today pero pumasok ako para lang makita si Eros. Grabeng effort yon ah! Si Eros naman ay isa lang ang klase kaso isang oras pero okay lang nalilibang naman ako sa paglilibot libot dito.

"Grabe nakakaantok ang mga binabasa mo. Sobrang kakapal! Ganiyang ganiyang ang pinsan kong doctor, aral ng aral." Pag ke kwento ko kahit alam ko naman na hindi siya nakikinig.

"Sobrang effort ng ginagawa mo para sa quiz nyo kaya gagawan talaga kita ng banner sa friday!" Bulong ko pa. Napahinto siya sa pag babasa at napatingin sa akin.

"Hindi na kailangan, Honey." Natulala ako. Shuta sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko ay natutuwa talaga ako.

"Bakit naman, Hon?" I asked too. His forehead creased.

"Bahala ka dyan. Hindi ka talaga nag se seryoso kapag kinakausap kita."

Natawa ako ng mahina, "Pikon mo naman po! Kelan ba ako hindi nag seryoso? Palagi nga akong seryoso eh! Lalo na sayo." Kinindatan ko siya. Umirap siya at nag patuloy sa pag basa.

"Pag tapos mo diyan kain tayo sa labas. Gutom na ako. Ayaw ko sa canteen nag sasawa na ako!" Niligpit niya ang mga libro na nagkalat sa lamesa namin. Pinag patong patong niya iyon at pinunta sa librarian.

"I'll borrow these books." I heard him say. The librarian just look take note of his name and the books that he borrowed.

"Tara na. Kaina na tayo."

"Bakit kakain na tayo? Diba mag aaral ka pa?"

"Sabi mo nagugutom ka na? Halika na, masama mag palipas ng gutom."

"Pero yung inaaral mo?"

"Hindi ko namalayan ang oras. Gutom na din naman na ako. Halika na." Tumango ako at kumapit sa braso niya.

"Where should we eat?"

"Gusto ko sa KFC!"

Nag drive ako papunta sa malapit na mall at doon kami kumain. I just ordered a chicken and rice. Coke for my drink and ice cream as my dessert.

"Hindi naman ako yung nag aral pero sumakit ulo ko." I ranted, he chuckled and touch my hair.

"Sino ba kase nag sabi na sumama ka sa akin sa pag aaral?"

"Ako!"

"Pag tapos natin kumain ay pumunta muna tayo sa national bookstore dahil may bibilhin ako." I nodded at him and continue eating.

Kwento ako ng kwento sa kaniya ng kung ano ano. Hindi ko kase mapigilan yung bibig ko eh!

"By the way, anong bibilhin mo?" Pag pasok namin sa national bookstore ay dumiretso siya sa stall na puro ballpen.

"Papers and just ballpens." I nodded. Nag tingin din ako.

"Miss you drop this." Napatingin ako sa likuran ko at nakita ang lalaki na inaabot sa akin ang ballpen.

"Ah, hindi iyan sa akin pero baka sa kasama ko. Thanks!" Ngumiti ako sa lalaki at kinuha ang ballpen.

Lumapit ako kay Eros na ngayon ay tinitignan ako. "Problem?"

Castellan Series 2: Honey Mae CastellanWhere stories live. Discover now