Kabanata 11
Hindi niya talaga ako pinansin buong breaktime namin shuta!
Iba pala mag selos ang isang Eros Rein Acosta! Nakita niya kami ni Erwin sa classroom kanina!
Kaya tuloy pag tapos ng klase namin ay inabangan ko siya sa classroom nila.
"They're here!" Si Eunice lang ang kasama ko dahil si Belle ay pumunta naman sa ka fling niya sa law department.
"Whoa! You're here for me? I'm so fluttered!" Sabi ni Jake pagkakita niya sa akin. Inakbayan niya ako kaya siniko ko siya. Ngumiti ako kay Eros at lumapit sa kaniya.
"Hello baby!" Kumapit ako sa braso niya. Nakakunot na tumingin siya sa akin.
"Why are you here?"
"Sinundo kita! Para hindi ka na mag selos!" I giggled.
"Who told you I'm jealous?"
"Si Steven!" Tumawa si Steven at tumango.
"I'm not! Wala naman tayo bakit ako magseselos?"
"Edi tayo na!" Kumindat ako sa kaniya. Nauna na siyang mag lakad, humabol ako at mas dumikit sa kaniya.
"Hatid kita sa inyo?" I asked again, he shook his head.
"I'll jus text Manong Ino to fetch me here or I'll commute." He said coldly.
Lumabas na kami ng building nila at palakad na sa gate. I pouted and hug his arm.
"Baby—"
"Honey Mae!" Napatingin ako sa likod at nakita si Erwin. Sinenyasan ko siya na wag lumapit sa akin at tinuro si Eros pero hindi niya ata na gets at lumapit pa din siya.
"I'll message you late—" Hindi ko na gets ang sinabi niya ng matuon ang atensyon ko kay Eros na bigla na lang umalis.
"Gago ka! Sinenyasan na kita na huwag ka lumapit! Nagalit tuloy boyfriend ko! Yari ka abangan ka non sa kanto!" Siniko ko siya kaya napakamot siya sa batok niya.
"I just want to tell you about our research tsk! Nadamay pa ako sa inyo!" Umiling iling siya na parang natatakot kaya natawa ako.
"Sabihin ko na lang hindi kita type!" Tumakbo ako paalis sa harap niya at natawa ng marinig ang pag sigaw siya.
"Text na lang kita about sa thesis natin!"
Nakita ko si Eros na nag aabang ng masasakyan. I can see him clench his jaw.
"Baby ko!" Tumingin siya sa akin na parang galit kaya kitang kita ko ang pag igting ng panga niya. Ngumiti ako sa kaniya ng malapad, nakita ko na parang may hinahanap siya sa likod ko.
"Si Erwin, ka groupmate ko iyon. Bakit iniwan mo ako?" I pouted.
"Uuwi na ako, Castellan."
"Hatid na kita, hmm?" I said softly. His jaw clenched again. Hinila ko na siya para hindi na siya makahindi. Sumakay kami sa sasakyan ko. He sat silently.
"Kain muna tayo ng pares dyan! Nagugutom na ako!" I stopped the car in front of the karenderia.
Bumaba ako at bumaba din siya. Napipilitan na sumunod siya sa akin.
"Dalawang pares po, Ate Pau. Tapos tokwa din dalawa."
"Ay! Ikaw pala iyan Honey! Ngayon na kang kita nakita dito ah! Himala hindi na sila Belle ang kasama mo! Boyfriend mo?"
"Malapit pa lang ate!" I giggled. Tumawa siya at umiling. "Maanghang ba ulit?"
"Yung isa lang maanghang, Ate!" Tumango siya kaya naupo na kami.
YOU ARE READING
Castellan Series 2: Honey Mae Castellan
RandomHoney Mae Castellan has this quote: "No to boyfriend, yes to fling. No to sex, yes to MOMOL." She's a playgirl, but she only wants engineerings. "Tirador ng mga engineering," as people call her. She accidentally met Eros Rein Acosta, who happens to...