Kabanata 2

3K 48 9
                                    

Kabanata 2

Masaya akong nag gagawa ng sandwich dito sa kusina. Balak kong bigyan si Eros ng sandwich para sa lunch mamaya.

Sana lang ay tanggapin niya.

Weeks passed by and we're really close with Eros's circle of friends. Para ngang barkada na din namin sila. Hindi ko alam kung feeling lang talaga ako pero feel ko naman barkada na din tingin nila sa amin.

"Ate! Bakit ba ang ingay mo? Yung boses mo abot hangang second floor sa pang kanta mo diyan!" Pag rereklamo ni Harry.

"Nako, huwag mo akong asarin ngayon Harry dahil baka batuhin kita ng sandok!" Nakangiting sabi ko.

"Ate! Baka umulan! Ang sakit sa tenga! Yung boses mong parang inipit ay dumadagundong sa buong bahay natin!" Reklamo niya pa.

"Ah! Ganon?!" Mabilis kong kinuha ang sandok at tumakbo papalapit kay Harry.

Siya naman ay mabilis na tumakbo. Umikot siya sa sofa kaya hindi ko siya mahabol.

"Lumapit ka dito! Kapag hindi ka lumapit babaguhin ko yung password ng wifi at hindi ka makaka connect!" Dumila pa ako dito para mas lalong asarin.

Natigilan siya at nag dalawang isip na. Napangisi ako ng sumuko siya. Papalapit na siya sa akin ngunit bunukas ang pinto at dumating si Papa. Nakahanap siya ng kakampi kaya mas lalo pa akong inasar.

"Pa! Mukhang inlove si Ate Hon! Kanina pa siya kumakanta kanta at kumekendeng sa kusina habang gumagawa ng sandwich!" Inungusan ko si Harry kaya naman nag tago siya sa likod ni Papa.

"Kanino ka inlove, nak? Pakilala mo naman ako!" Ngumiti ng pang asar si Papa kaya naman umirap ako.

"Wala kaya! Bida bida lang iyan si Harry! Mamaya ka sa akin, Harry! Kokotongan ko esophagus mo!" Tumalikod na ako at nilagay sa lunchbox ang sandwich.

Pag tapos ay nag asikaso na ako sa pag pasok.

PAG DISMISS ng teacher ay excited na tumayo ako. Dumiretso kami sa engineering building.

"Gago! I saw you yesterday! You're with someone!" Si Bella ng makita si Marion.

Nanlaki naman ang mata ni Marion at inakbayan si Belle. May binulong siya kay Belle kaya naman ngumisi sa kaniya ito at may binulong din.

"Penge muna suhol!" Napa irap na lang ako. Malakas talaga ang boses ni Belle kaya kahit bulong ay umabot pa din sa tenga ko.

Pumunta ako sa pinaka likod at nakita ko si Eros na busy sa kaniyang cellphone. Tumabi ako sa kaniya at nag pa cute.

"Hi, Eros. Ginawan kita ng sandwich. Masarap iyan!" Kinuha ko sa bag ko ang lunchbox at binigay sa kaniya.

Napakurap siya at napatingin sa lunchbox na inaabot ko. Nahihiya na inabot niya ito.

"Nag abala ka pa. You don't have to but thanks."

"Tikman mo na dali!" Excited na sabi ko.

Nilabas niya ang sandwich sa loob ng lunchbox. He took a bite.

Inaabangan ko ang reaction niya. He smiled at me so I am relieve.

"Masarap? Oh diba? Jowain mo na ako para araw araw ka may ganiyan!" Tinaas taas ko ang kilay ko habang nakangiti ng nakakaloko sa kaniya.

Nabigla ata siya sa sinabi ko kaya naman nabilaukan siya. Buti na lang ay may bottled water ako sa bag. Mabilis na inabot ko iyon sa kaniya.

"Mga banat mo kase eh! Ayan tuloy nabibilaukan ang baby namin!" Sabi ni Jake at hinimas himas ang likod ni Eros.

Castellan Series 2: Honey Mae CastellanWhere stories live. Discover now